027

1 0 0
                                    

Huling Sandali

Ito na,
wala na,
tama na,
huli na.

Ito na ang huli,
ang aking huling sandali
sa mundong ating kinagagalawan
paalam mga kaibigan.

Huli ko na,
siguro kayo'y masaya
dahil mawawala na ang 'ako',
na sa tingin ko'y inyong problema.

Namamaalam na ako
kahit wala kayong pakielam
sa isang tulad ko,
na wala namang kwenta.




Note: This is another version I made cause I was unsatisfied with the first one.

Tapos na,
pero naalala mo ba mahal?
Yung ating huling sandali
na aking hinding hindi ko makakalimutan.

Naalala ko nuon,
masaya pa tayo
naghahalakhakan pa,
ngunit iyon na pala ang huli ng 'tayo'.

Natahimik ka bigla,
natulala,
mamroblema,
at ako'y nag-alala.

Bigla ka nalang umiyak
ika'y aking pinapatahan
ngunit ika'y mas lalong humagulgol
at doon ako natauhan.

Paulit-ulit mong sinasabi
ang mga salitang 'patawad',
'sana maintindihan mo',
at 'mahal na mahal kita'.

Sinabi mo na ayaw mo na,
na pagod na ka na,
na susuko ka na,
at andami pang iba.

Ngunit pinilit kita,
sinuyo kita,
pinilit kong intindihin kung bakit,
pero nakakapagod na din pala.

Hindi naman ako sumuko
nagpahinga lang ganun,
pero ansakit para sakin,
na may kasama ka nang iba.

Tumigil na ako,
sa aking kabihangan
dahil mas lalo lang akong nasasaktan
at iyon ang huli na.

Pero bakit andaya?
Dahil hanggang ngayo'y mahal parin kita
kahit may minamahal ka nang iba.

Ito na siguro ang huli mahal,
dahil aalisin ko na ang aking mga nararamdaman
ngunit hindi ko parin makakalimutan
ang huling sandali nating dalawa.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now