Note: My 100th poem y'all! August 31, 2019.
ika'y ako at ako'y ikaw
ika'y nakita
noong ikalawa
ng buwan ng wika
ika'y nakilala
noong ika-walong araw
ng ating pangkikita
ika'y nahulog
noong ipinakita nya
ang tinatagong sya
sa mundong mapang-api
ika'y lumuha
noong mahulog at nabasag ka na
ngunit minamahal mo parin sya
ika'y nagpakatatag
noong kinamusta ka nya
di mawari kung magsasabi ng totoo
o muli nalang itatago
ika'y muling nabasag
noong sumikat ang balita
na sya'y may nililigawan na
nagpakatatag; nagsinungaling
nagpatay malisya; umasa
nasaktan, at sana'y makalimutan mo na
sapagkat ika'y isang mahalagang
dyamento
na bibigyang halaga ng isang tao—
balang araw

YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poetryhere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.