029

1 0 0
                                    

Kung pwede lang ibalik

Kung pwede lang,
kung kaya lang,
ngunit hindi na maaari.

Kung pwede lang sanang ibalik
ang nakaraang nasawi.
Ang ating napabayaan,
na handang labanan muli.

Sana ay maaari pa
para naman maisalba
ang ating nasawing
pag-iibigan.

Pwede pa ba?
Maaari pa ba?
Dahil handa na ulit lumaban
kahit puso'y sugatan.

Sana ay pwede pa,
na maaari pa,
na may pag-asa pa
na ito ay maibalik.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now