039

1 0 0
                                    

Kung ako ma'y

Kung ako ma'y naging pabigat,
sana'y ako ay iyong mapatawad.
Dahil ginawa ko naman ang lahat,
ngunit mukhang hindi pa sapat.

Kung ako ma'y nahulog sayo,
pasensya na dahil hindi ko man napigilan ang sarili ko.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mahulog sayo
dahil na rin nagbigay ka ng motibo na akala ko gusto mo din ako eh.

Kung ako ma'y nagkaroon ng hinanakit sa iyo,
patawarin mo sana ako,
dahil hindi ko din siguro alam,
baka dahil nainggit ako sayo o dahil baka ayaw ko sa ugali mo.

Kung ako ma'y iyong nasaktan,
ay ayos lamang iyon.
Dahil wala namang taong perpekto
at lahat tayo'y nagkakasala at nakakapanakit ng ating kapwa.

At kung ito ma'y binabasa mo–
Gusto ko lang sabihin na malalampasan mo din iyan.
Tayo'y nasa isang laro na ang tawag ay 'buhay',
at madami tayong madaraanang pagsubok na ating malalampasan.
At tulad nga ng nasa kanta,
'Laban lang alaxan~'.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now