037

1 0 0
                                    

Pagod

Pagod.
Iyan na ang nararamdaman ko.
Pagod na pagod nako.
Yung tipong gusto ko ng sumuko.

Pagod nako sa lahat-lahat.
Sa mga pang-araw-araw na aking ginagawa.
Mula sa paggising na may problema,
hanggang sa pagtulog na nadagdagan pa.

Sawang sawa na ako.
Pagod na pagod na ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Gusto ko na magpahinga,
ngunit hindi pa pwede sabi nila,
dahil may mga responsibilidad at problema pa
na nag-aabang sakin mula simula.

Hindi matapos-tapos.
Hindi maubos-ubos.
Yung kahit hindi pa nalulutas,
may dumadagdag na naman.

Pagod nako,
hindi pa ba halata?
Hindi pa ba halata na ayoko na?
Dahil suko nako.
Ayoko na talaga.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now