Note: I made this appreciation poem to my captains in frisbee, basketball and football when we played till our seasonal. Till now, we're still friends and I somehow hope that we could train again like before.
Kapitan
Mga taong,
nagkaroon ng responsibilidad,
na turuan, hasain ang talento
o kaalaman
ng kanilang kagrupo
na sasama sa kanila
sa kanilng laban mapasaanman.Nagsimula'y hindi magkakakilala,
hindi magkakalapit ang loob sa isa't isa.
Nag-aalinlangan pa kung magsasalita ba
o tatahimik at magmamasid nalang.Lumipas ang panahon,
unti-unti ng lumalapit
ang ating loob,
nagiging malapit na tayo.
Nagtatawanan,
nagsasabihan,
nagkwekwentuhan.Gumagala,
umuuwing late,
sama-samang kumain.
Nakilala natin ang isa't isa,
nalamang my pagkakapare-pareho pala.Pero lahat ay may katapusan.
Nagwakas na ang ating sinalihang mga laro.
Nagwakas ang ating pagtratraining para sa gaganaping laro na ating sinalihan.Tayo ma'y natalo ngunit may tinagumpayan parin.
Ating pinagsaluhan ang ating tagumpay,
nagkaroon ng mg bagong ala-ala
na kailan ma'y hindi malilimutan.
Mga tawanang hindi mapapawi
sa ating mga isip.
Mga kalokohang ating ginawa,
nakakahiya man pero ating ikinasaya.Habang dumaan ang mga araw,
nais naming bumalik.
Doon sa mga araw na tayo'y magkakasam parin.
Gusto kong bumalik, gusto namin.Pero kahit ganto na ang sitwasyon
sana'y wala parin ang magbago.
Kahit lumipas pa ang mga taon,
magkahiwa-hiwalay man tayo
sana ay magkasama-sama ulit tayo
at muling gumawa ng bagong mga memorya
na ating itatak hanggang sa muli.
YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poetryhere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.