040

1 0 0
                                    

Kunwari

Nagsimula sa ikaw at ako
na nakaunlana'y naging tayo.
Noo'y tayo'y masaya pa,
ngunit bakit parang may nagbago?

Tayo'y tunay na masaya
ngunit dati nga pala iyon.
Dahil ngayo'y—
mukhang nagkukunwari nalang tayo.

Kunwari masaya tayo,
napipilitan nalang siguro dahil sa awa.

Kunwari mahal pa natin ang isa't isa,
pero bakit pa nga ba natin to ginagawa?

Kunwari akin ka tsaka ako'y iyo,
kahit halata naman na may napupusuan ka nang iba.

Kunwari may tayo pa,
kahit hindi na ata tayo magkakilala.

Pero tapos na ang lahat ng iyon
sapagkat naisipan nang bumitaw.
Para maging malaya
tsaka makasama sya.

Nagkaayos na tayo.
Magkaibigan muli,
kahit may kirot parin.

Dahil kunwari lang naman na pinapalaya na kita eh.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now