Note: September 4, 2019
Reklamo ko
Hindi ko maisip
kung gaano katagal akong namuhay
dito sa walang hiyang mundo
na kung saan
ang daming mga gago
mga putang problema
na patuloy na lumalabas
hindi natatapos
hanggang duloBakit nga ba ako nandito
buhay at nananatiling lumalaban
kung dati pa ako nagsasawa
dahil lagi nalang "bakit ganito?!"
sana sinabi nyo
na sila pala ang hinahanap nyo
at hindi ang tunay na akoNakakasawa rin
yung puro problema
at hindi na naisisingit ang saya
sapagkat puro pasakit
ang araw-araw na humihinga pa akoSana'y mawala na ako
sana naging bula nalang
para isang putok ay mawawala na rin
pero napatibay ata ako
sapagkat milyon-milyon na ang nakasakit sa akin
pero eto parin ako
humihinga pero hindi na buhaySana'y bato na lang ako
para hindi na ako masaktan pa
at makaramdam ng kahit anong damdamin
O kaya nama'y tinta
na kapag ubos na'y tapos na rin
at hindi na kailangan maghirap pa

YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poetryhere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.