060

0 0 0
                                    

Note: July 20, 2019

       Nagkakilalang masama ang loob sa isa't isa.
       Lagi nalang magkalaban sa mga bagay-bagay.
       Magkaibigan,
       ngunit magkakompetensya parin.

       May mga paligsahan,
       na pareho nating sinasalihan.
       Minsa'y isa sa atin ang nananalo,
       at minsa'y tayo'y parehong talo.

       Mayroon sa ating nagiging masaya,
       at meron din namang nagiging malungkot.
       Nagkakaroon ng asaran,
       at di mawawalan ng murahan.

       May pagkakataon na ako'y nangunguna,
       at ikaw nama'y humahabol pa.
       Ngunit kahit ano talagang gawin ko'y
       ikaw parin talaga ang panalo.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now