005

2 0 0
                                    

Sawa

hanggang kailan
pa ba ako matitiis,
maghihintay sa oras
na ikaw ay aking makakausap?

hanggang kailan
pa ba kita hihintayin
na sana ay pahalagahan mo ako
tulad ng pagpapahalaga ko sayo

hanggang kailan
pa kita kailangang unawain
sa lahat lahat ng iyong sinasabi,
pagpapaniwala sa iyong mga kadalahinanan

dahil nakakasawa na
na maghintay sayo
dahil alam ko namang
wala nang patutunguhan to

kaya winawakasan ko na
ang paghihirap nating dalawa
sa pamamagitan ng dalawang salita
na "paalam na".

My 2019 Poems Where stories live. Discover now