032

1 0 0
                                    

Andito lang naman ako

Sana mapansin mo
hindi lang ako,
kundi pati ang halaga ko.
Dahil andito lang naman ako
para sayo.

Lagi tayong nagkakausap,
umaasang baka ika'y mahulog.
Dahil handa naman kitang saluhin
hanggang sa huling sandali.

Nahulog ako sayo,
di dahil sa histura,
kundi dahil na rin sa iyong ugaling taglay,
na kayang magpahulog sa napakaraming babae,
ngunit sa huli'y uuwing luhaan.

Nagpakatatag ako,
dahil nagbabakasakali
na ako'y mapansin mo,
ngunit sya parin pala talaga ang nasa isip at puso mo.

Ang daya noh?
Dahil andito lang naman ako,
ngunit bakit hindi moko makita?
Bakit hindi mo magawang limutin sya?
Pero sino ba naman ako para magreklamo?
Hindi naman ko ang nagmamay-ari sayo,
dahil mas nauna sya,
ngunit naunahan ka rin sa puso nya.

Ngunit kahit ganyan ka,
lagi mong tatandaan
na andito lang naman ako,
laging maghihintay sayo.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now