050

1 0 0
                                    

May halong—

          Puti, asul, berde—
         'yan ang kulay ng planetang
         ating tinutuluyan.

         Hindi bilog, malaki o maliit—
         tama lamang para sa atin.
         May hangin na tama sa atin,
         tamang temperatura.

         Perpektong tirhan ng tao,
         itinadhana para sa atin.
         Ngunit bakit ganito—
         Bakit nagbabago?

         Lumilipas ang panahon,
         dumadaan ang mga dekada;
         Nagbabago ang mga tao—
         ngunit bakit pati ang ating mundo?

         Kumakalat ang mga basura,
         lumalaganap ang mga sakit—
         at nasisira ang ating planeta.

         Tayo'y nagiging pabaya na,
         kampante na walang masisira.
         Ngunit tayo'y nagkamali
         dahil ngayo'y nasisira na.

         Hindi man maaaring ibalik,
         ngunit maaari namang ayusin muli.
         Ating alagaan at bigyang halaga,
         ang mundong ibinigay sa atin ng maykapal.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now