057

0 0 0
                                    

      Ang tagal ko nang pinag-iisipan
      kung bakit pa nga ako lumalaban,
      dito sa mundong andaming mapanghusga
      na kahit mga inosente'y idinadamay nila.

      Bakit pa nga ba ako lumalaban
      dito sa larong tinatawag nilang buhay
      kung mula simula pa nama'y
      talo na talaga ako?

      Bakit nga ba—
      hindi pa ako sumuko noon,
      at tumuloy pang lumaban
      hanggang sa kasalukuyan?

      Ano nga ba
      ang aking naging inspirasyon
      para lumaban hanggang ngayon
      at hindi pa tuluyang sumuko?

      Pero bakit?
      Bakit ngayon ay naiisipan ko nang sumuko
      kung kelang halos buong buhay nakong lumalaban.

      Ngunit meron nga sigurong mga taong
      naiisipang sumuko kahit ang tagal tagal na nilang lumalaban,
      dahil isa ako sa kanila.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now