063

0 0 0
                                    

Note: July 25, 2019

ginawa ko naman ang lahat,
ngunit bakit hindi parin sapat.
nagsikap ako at nagpuyat,
para lang sa mga aktibidad at proyektong aming kailangang ipasa kinabukasan.

ginalingan ko sa lahat,
nagbabakasakaling malagpasan ko sila.
sinusubukan kong intindihin,
ang mga itinituturo nila sa amin.

ngunit mas lamang sila,
sa napakadaming mga bagay.
mas matalino sila,
na kaya silang ipagmalaki ng kanilang mga magulang.

at eto lang ako—
isang bobo na ipinagpipilitan ang sarili nya sa pwestong hindi naman nababagay sa kanya.
eto lang ako,
isang babaeng hindi kayang maipagmalaki ng kanyang mga magulang.

sana naman makita nyo,
na ginagawa ko ang lahat para may maipagmalaki ako sa inyo.
ngunit ganyan na ba ka-sarado ang isip nyo
para paniwalaan nyo lamang na wala akong magagawang maipagmamalaki nyo—
kundi kamalian ko?

My 2019 Poems Where stories live. Discover now