034

1 0 0
                                    

Di ko na alam

Di ko na alam,
gulong-gulo nako sa mundong ito,
kung ako ba'y lalaban pa o susuko na?
Dahil hindi ko na kaya,
sukong-suko nako,
ngunit kung hindi lang dahil sayo,
ay baka nawala nako.

Gulong-gulo nako,
kung ano ba ang pipiliin ko,
kung mananatili pa ba o susuko na talaga?
Dahil hirap na hirap nako,
at sa bawat pagdaan ng araw
ay mas lalo pakong naguguluhan,
kasi mas humihirap
mas bumibigat
at mas gusto ng sumuko.

Sana'y malaman ko na,
sana'y makapagdesisyon na,
dahil hindi ko na alam,
gulong-gulo nako,
kung ano ba talaga ang pipiliin ko.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now