Note: August 5, 2019.
minsan naisip ko
kung tama ba
itong pinasukan ko—
ang puso mo,
na may taong
nilalaman pa.
nakakaramdam
din ako ng pagsisisi
paminsan minsan.
ngunit huli na ng
aking naisip
dahil buo na talaga
ang desisyon kong
pasukin ka.
di ko din mawari
kung tama ba ito
dahil sakit lamang
ang maidudulot
nito sa akin.
ngunit kailangan
kong magtiis
sa mga hinagpis
mula sa aking
desisyon na
pasukin ka kahit
may iba pang nilalaman
ang puso mo.

YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poesiahere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.