Note: July 21, 2019
Umagang ka'y ganda,
tulad ng pagsikat ng araw.
Ngunit taliwas sa iyong nararamdaman,
na purong sakit at paghihinagpis.Hanging ka'y sarap,
tulad noong panahon na tayo'y sibilisado pa.
Taliwas naman sa iyong katawan,
na puno ng pasa at saksak.Ka'y linis ng paligid,
noong unang panahon ngunit bakit hindi na ngayon?
Tulad ng ating kaisipan,
na puno na ng pait at sakit mula sa kasakiman.Ka ganda dati,
noong wala pang kamuwang muwang ang ating paligid.
At ganun din ka-dumi ng naging kalabasan,
ngayong nag-iba na ang ating henerasyon.
YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poetryhere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.