Kabanata 10

2.9K 91 3
                                    

"Alalay ni Zayden?"

"Hindi nga?"

"Kailan pa ginusto ni Zayden na magkaro'n ng alalay?"

"Yan siguro ang parusa niya dahil sa pagpapahiya kay Zayden. Haha, ang dami niyang parusa."

"Oo nga. Si Zayden pa kasi ang kinalaban niya. Wala pa namang pinapalagpas si Zayden kahit na isa."

Iba't-ibang bulungan ang naririnig ko habang naglalakad kami sa campus. Pinagtitinginan kami kasi nakasunod ako sa likuran ni Zayden. Para naman akong aso sa lagay na 'to. Nanatili akong nakasunod kay Zayden. Saan ba ang punta niya? Napahinto lang ako nang mag-ring 'yong cellphone sa bag ko. Kaagad ko 'tong kinuha. Wahh! Si Liam tumatawag.

"Hello, Liam?"

(Thea, how are you?) Masiglang bati nito sa kabilang linya.

"Okay lang naman. Ikaw, Liam?"

(I'm not okay.)

"Huh? Bakit? May problema ka ba d'yan?" Nag-aalalang tanong ko.

(Nothing. I just missed you, Thea. I really want to go home.)

"Li__" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil may biglang umagaw ng cellphone sa kamay ko.

"Liam?" Kunot noo na saad ni Zayden habang nakatingin sa screen.

"Ibalik mo 'yan, Zayden. Kinakausap ko pa si Liam, eh." Inagaw ko 'yong cellphone sa kamay niya, pero mabilis niya 'tong inilayo sa akin.

"No." Napatingin ako sa paligid. Pinagtitinginan na kami lalo. Bakit ang dami nila? Gano'n ba sila ka interesado kay Zayden?

"Kailan pa kayo nagtatawagan ni Liam?"

"Ngayon lang."

"Are you sure? Who gave it? I thought you didn't have a phone? Liam gave it, right?"

"Oo. Malamang. Kay Liam 'yan eh."

"Throw it cellphone. Damn away from us."

"Ayaw ko. Ibinigay 'yan ni Liam." Medyo mahina na sabi ko dahil may mga nakikinig.

"I don't want to see you holding this cellphone and I don't want to see you using this cellphone especially for Liam."

"At bakit? Ibinigay naman sa akin ni Liam 'yan kaya may karapatan akong hawakan at gamitin 'yan. Naiingit ka siguro? Siguro matagal mo ng hinahangad 'yang cellphone ni Liam? Gusto mo lang din naman sana noon pa lang hiningi mo na kay Liam 'yan hindi 'yong saka mo kukunin kung kailan nasa akin na. Masyado ka talagang late gumalaw at mag-isip. Kung kailan nasa iba na saka mo pa pag-iinteresan. Akin 'yan kaya ibalik mo."

"Hah! Do you think I've a huge desired on this phone? Hell f*cking no! Basagin ko pa 'to."

"Subukan mo. Basag din 'yang mukha mo. Ingitero masyado."

"Hindi ako naiingit."

"Eh 'di ibalik mo."

"No."

"Bakit?"

"Dahil naiinis ako. H'wag na 'to."

"Ano'ng gagamitin ko?" Bigla niyang kinuha 'yong cellphone niya sa bulsa niya saka inabot sa akin.

"Take this."

"Huh?"

"Sayo na...palit tayo." Haha, ewan ko ba, pero iba 'yong dating para sa akin.

"Kyahhhh! Binibigay 'ata ni Zayden."

"Asus! Pakipot pa."

"Sira na 'yan kaya ibibigay na." Ayan na naman sila. Nagulat ako nang binuksan ni Zayden 'yong bag ko at inilagay 'yong cellphone niya do'n.

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon