Kabanata 58

1.6K 41 1
                                    

Hindi ko na alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko. Sa bawat paghakbang ko ay pumapatak ang luha sa pisngi ko. Sa sobrang dami ng luha sa mga mata ko ay halos hindi na ako makakita.

Ang sakit-sakit talaga ng nalaman ko. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang katotohan na ampon lang ako. Kaya pala gano'n na lang kung ituring ako ng mga magulang ko. Kaya pala wala silang pakialam sa akin kasi hindi naman pala nila ako anak. Si Tanny lang ang anak nila.

Sino ang mga magulang ko? Bakit nila ako ipinamigay? Hindi ba nila ako kayang buhayin kaya nila ako ipinamigay? O baka ayaw din nila sa akin katulad ng mga umampon sa akin. Hindi ba ako deserving na maging anak nila? Ano ba ang kulang sa akin? Ano ba ang mali sa akin at gano'n na lang kadali para sa kanila na ipamigay ako?

Bakit hindi man lang nila ako kinakamusta? Kung buhay pa ang totoong mga magulang ko ay gusto ko silang makita. Marami akong gustong itanong. Gusto kong itanong kung bakit nila ako ipinaampon? Gusto kong malaman kung ano ang kasalanan ko kung bakit ipinamigay na lang nila ako? Gusto kong malaman kung sino ba talaga ako? Hindi ako si Althea Ellez Valderoza. Hiniram ko lang ang katauhang 'to.

Natigilan lang ako sa pag-iisip nang may pumigil sa akin. Napunta ang tingin ko sa kamay na nakahawak sa pulsuhan ko. Inangat ko ang tingin ko para makita ang mukha niya.

Isang lalaki.

Kulay itim lahat ng damit niya. Red violet ang kulay ng buhok niya. Maputi, matangos ang ilong. May earrings siya sa kaliwang tenga saka may panyo pa sa ulo. Kasintaas siya ni Zayden. Pero hindi siya si Zayden.

"You are not on the right way. Magpapakamatay ka ba?" Malamig ang kanyang tinig. Napatingin ako sa paligid. Nagulat ako dahil nasa gitna na pala ako ng kalsada. May kotse na pala sa harapan ko at kanina pa bumubusina.

"Kung magpapakamatay ka h'wag mo kaming idamay!" Sigaw ng driver sa akin saka umalis. Kamuntikan na pala akong mabangga. Mabuti na lang dahil napigilan ako ng lalaking 'to. Muli akong sumulyap sa lalaki. Pamilyar siya sa akin. Natatandaan ko siya. Siya 'yong parang leader ng mga lalaking humarang sa amin ni Zayden sa highway. Siya 'yong kasamahan ng lalaking nanutok ng baril sa amin.

"S-salamat." Saad ko sa kanya. Lumayo ako sa kanya. Humakbang ako para makaalis na.

"Just a moment." Sumunod siya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko saka humarap sa kanya.

"Ikaw 'yong babaeng kasama ni Zayden 'di ba?" Mukhang natatandaan niya rin ako.

"O-oo."

"Do you still remember me?"

"Oo. Ikaw 'yong isa sa mga kasama ng lalaking nanutok ng baril sa amin."

"Yeah. Gusto kong humingi ng sorry dahil sa ginawa ng kaibigan ko. Mahilig kasi talaga sa gulo ang isang 'yon. Ayaw paawat." Mukha ngang matigas ang ulo ng sinasabi niyang kaibigan niya. Iyong tinutukan pa lang niya kami ng baril ay isa ng pruweba.

"Ah, okay lang. Hindi naman kami nasaktan." Sagot ko. "Mauna na ako." Aalis na sana ako, pero hinarang niya ang katawan sa daan. Kakaiba ang presensya niya. Sobrang cool, seryoso at angas niyang tingnan.

"What's your name?" Nagulat ako sa tanong niya. Tama ba 'tong narinig ko? Ang isang gwapong nilalang ay tinatanong ang pangalan ko.

"Althea Ellez Valderoza. Thea na lang." Pagpapakilala ko sa kanya.

"Jeo neun keu gae Jo a hae yo." (I like it) Natameme ako sa sinabi niya. Eh kasi hindi ko naiintindihan. Ano bang language 'yon? Korean? Tama 'yon nga. Gano'n kasi 'yong tono ng pananalita niya.

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon