Kabanata 47

1.7K 52 5
                                    

"Saan mo ba ako dadalhin? Bitawan mo nga ako!" Angil ko sa kasama ko.

"Shut your mouth, woman." Seryosong sabi ng lalaki. Hinila lang niya ako nang hinila. Hindi ko na alam kung saan ba kami pupunta. Grabe! Ang tibay ng tuhod ng nilalang na 'to ang layo-layo na kaya nang nilakad namin. Halos hingalin na nga ako.

"Ano na?" Biglang may kinausap ang lalaki sa cellphone. Naka loudspeaker ang phone niya kaya nag-eavesdrop ako.

(Cancelled ang lakad natin, bro. Tumakas ang mga loko.) Natatawang sabi ng nasa kabilang linya.

"What the f*ck! Iniwan ko ang kotse ko dahil akala ko susunod kayo sa akin. What now? Uuwi akong naglalakad lang?"

(Sorry, but yes. We can't go there. Haha, mag-taxi ka na lang.) May kotse pala siya. Rich kid.

"It's all your fault!" Sigaw nito bago ibinaba ang phone niya. "Bad luck!" Hinilamos niya ang palad sa mukha saka ako tiningnan ng masama.

"H'wag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi ako malas ah." Nakasimangot na sabi ko.

"Are you sure?"

"Oo kaya."

"Baka may balat ka sa puwit."

"Wala! Kahit ipakita ko pa sayo wala talaga." Palibhasa wala siyang masakyan malas na ako. Grabe! Connected ba 'yon? Ang kitid ng isip!

"Tch! As if you can show me your butt." Saka ko lang napagtanto 'yong sinabi ko sa kanya. Luh! Kaya ko bang ipakita?

"Ewan ko sayo. Uuwi na ako." Walang ganang sabi ko. Tama, Thea iwan mo na ang lalaking 'to dahil hindi naman talaga siya si Zayden. Kaugali lang, okay! Kaugali lang!

"What is your name?" Aha! Interesado?

"Nah! I'm just asking your name. Don't think I'm interested. Okay." Mind reader siya?

"I'm Thea. Althea Ellez Valderoza." Nakangiting sabi ko. Tumango naman siya.

"What a lousy name." May pang-iinsultong sabi nito. Wahh! Laitero rin siya!

"Ano ba ang pangalan mo? Makalait ka sa akin wagas!" Maganda naman ang pangalan ko, ah.

"Interested?"

"Hindi. Tinatanong ko lang. Bawal?"

"Yes. Pero dahil pangit ang sayo, sasabihin ko ang akin. I'm Leroy. See you. Next time na lang kita iuuwi because my car was not here." Saad niya saka ako iniwan. Aba! Walang galang! Pagkatapos manghila ay mang-iiwan na lang bigla.

*****

"Leroy ang pangalan niya. Alam mo ba Liam kaugali siya ni Zayden." Kausap ko si Liam ngayon sa cellphone. Kinuwento ko sa kanya 'yong nangyari sa amin ng Leroy na 'yon.

(Leroy? Who is that man you called Leroy? What was the surname of the man?) May pagtatakang tanong ni Liam.

"Hindi ko alam. Hindi niya sinabi sa akin." Sinusuklay ko ang buhok ko habang nakatingin sa salamin. Matutulog na sana talaga ako ngayon kaso tumawag si Liam.

(Mag-iingat ka sa mga taong kinakausap mo. Hindi pa rin siya si Zayden.) Paalala ni Liam. Tumango naman ako kahit hindi niya ako nakikita.

"Sige, mag-iingat naman ako. Nga pala kamusta sa school? Ikaw, ang mga kaibigan mo, si Ciara at si Rain kamusta na?" Tanong ko. After kong magsuklay ay nahiga na ako sa kama ko.

(Medyo boring na sa school. I'm fine. Okay lang din ang mga loko. Ciara and Rain are fine. Miss ka na nila. Hindi nga lang magkasundo ang dalawang 'yon kapag nag-uusap sila.) Miss ko na rin sila lalo na si Ciara at Rain.

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon