"Salamat sa paghatid, Liam." Hinatid niya kasi ako. Hindi na kasi bumalik si Zayden sa school. After nang nangyari kanina ay umalis na rin si Tyler. Nag-sorry siya sa akin, pero sinabi kong wala naman siyang kasalanan.
"Walang anuman." Nakangiting sagot niya. Lalabas na sana ako sa sasakyan, pero pinigilan niya ako.
"Thea, I hope na magkaayos na kayo ni Zayden." Seryosong sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Halatang nag-aalala siya para sa amin ng pinsan niya. "Kanina nang nalaman ni Zayden na wala ka sa school ay hinanap ka niya kaagad. Humingi siya nang tulong sa amin para hanapin ka. Tapos 'yon nga, nakita ka namin na hinatid ni Tyler. I can't blame Zayden kung bakit gano'n na lang ang galit niya. He saw you with his enemy. Nagselos 'yon panigurado. Saka samahan mo na rin ng matinding pag-aalala. Oo nga, wala kayong ginagawang masama ni Tyler, pero iba pa rin ang mararamdaman ni Zayden lalo na't kaaway niya pa si Tyler. Magiging paranoid talaga ang lokong 'yon." Dagdag pa ni Liam. Napayuko na lang ako. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Hihingi ako ng tawad kay Zayden kapag nakita ko siya.
"Todo mura pa siya kanina. Tapos ang tigas daw ng ulo mo. Bakit daw kapag umaalis ka hindi ka nagpapaalam sa kanya? Alam mo ba kapag ilang minuto ka pa lang na nawawala gusto niya tumawag kaagad ng pulis. Gusto kong matawa sa kanya kasi ang OA niya, pero iniisip ko na lang in love ang pinsan ko kaya gano'n umarte." Ngayon kapag aalis ako magpapaalam na ako sa kanya. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
"Kasalanan ko. Sana mapatawad niya ako." Malungkot na sabi ko.
"Don't blame yourself. May rason ka naman siguro kaya hindi ka nagpaalam. At may rason ka rin siguro kaya ka hinatid ni Tyler."
"Umalis ako sa DLA kasi umuwi ako sa bahay. Nang nagkasakit si Tanny at dinala namin siya sa ospital ay nagkasagutan kami ni mama habang wala si Zayden. N-nalaman ko mismo kay mama na a-ampon lang ako." Napahinto ako sa pagsasalita dahil bumabadyang pumatak ang luha mula sa aking mga mata.
"Si Tanny lang ang anak nila. Ampon lang ako. Ni hindi ko raw pala sila totoong kadugo. Ang sakit-sakit ng nalaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o sasabihin ko nang mga oras na 'yon. Kaya pala gano'n ang trato nila sa akin kasi hindi naman pala ako galing sa kanila. Hindi ko nakayanan kaya umalis ako sa ospital. Ni hindi ko nga alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Muntik na pala akong mabangga ng mga sasakyan nun, pero mabuti na lang dahil nailigtas ako ni Tyler. Nakita ko na si Tyler at ang grupo niya nang minsang hinarangan ng grupo niya ang kotse ni Zayden. Hindi naman kasi si Tyler ang may nagawang kasalanan ng mga oras na 'yon kundi ang isa niyang pasaway na kasamahan. Tinutukan niya kami ng baril ni Zayden kaya ayon nagalit si Zayden, mabuti na nga lang at naawat ko pa siya. Kahit kaaway ni Zayden si Tyler at kahit na gano'n ang ginawa sa amin ng kasama niya ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya. Mabait kasi siya sa akin. Ramdam kong wala naman siyang gagawing masama sa akin kahit na girlfriend pa ako ng kaaway niya. Pakiramdam ko kasi kahit na gangster si Tyler hindi siya magsisimula ng gulo kung walang dahilan at hindi niya idadamay ang ibang tao para lang gamitin laban sa mga kaaway niya. Kaya nagtiwala ako sa kanya kahit na kaaway siya ni Zayden."
"Hindi ko sinabi kay Zayden ang nalaman ko tungkol sa pagiging ampon ko. Alam ko kasing tutulungan ako ni Zayden sa problema kong 'yon. At ayaw kong mangyari pa 'yon. Masyado nang maraming nagawa si Zayden para sa akin. Ayaw kong i-asa lahat sa kanya baka kasi masanay ako. Gusto ko kasi kumilos din ako para sa sarili ko. Ayaw kong i-depende ang lahat kay Zayden. Sasabihin ko naman sa kanya ang lahat kapag naging okay na ang lahat. Kaya kanina, pagkatapos niya akong ihatid sa school ay umalis din ako nang walang paalam sa kanya. Umuwi ako sa bahay namin para kamustahin si Tanny at para na rin itanong kay mama kung sino ba ang totoo kong mga magulang. Si mama lang ang naabutan ko sa bahay. Chance ko na rin siguro 'yon para itanong lahat sa kanya. Lahat itinanong ko kay mama, pero nasaktan lalo ako sa naging mga sagot niya. Pauwi na raw sila nun nang may nakita silang kotse na bumangga sa malaking puno. Sakay nun ang mga magulang ko. Sinilip nila ang sakay at nakita nila ako ni papa sa loob kasama ng mga totoo kong mga magulang. Sanggol pa lang daw ako nun. Wala raw akong natamong sugat dahil prinotektahan daw ako ng totoo kong ina mula sa aksidente. Kapwa walang malay ang totoo kong ama at ina. Tutulungan sana silang makalabas ni mama at papa, pero masyadong kapos sa oras dahil tumatagas ang gas ng sasakyan. Kung magtatagal sila ay paniguradong pati sila ay mapapahamak. Kinuha ako ni mama sa totoo kong nanay. Sumabog ang sasakyan ng mga magulang ko."
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Novela JuvenilThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex