Nagising ako, bumungad sa akin ang isang abandonadong gusali. Mga sirang kagamitan ang nakikita ko sa paligid. Gumalaw ako, pero nahirapan ako dahil sa gapos ko. Nakaupo ako sa isang silya habang ang dalawa kong kamay ay nakatali sa likuran ko at pati paa ko ay may tali rin.
"Althea Ellez." Napatingin ako sa tabi ko. Katulad ko ay may gapos din si Zayden habang nakaupo rin sa silya.
"Z-zayden, nasaan tayo? Nasa party pa tayo kanina. Paano tayo napunta rito?" Naguguluhang tanong ko.
"Nawalan tayong lahat ng malay dahil may pampatulog ang usok na 'yon. Pagkatapos may dumukot sa ating dalawa."
"Huh? Sino naman?" Umiling-iling si Zayden bilang sagot. Sino naman ang nagpadukot sa amin? Kamusta na kaya ang iba? Sana maayos lang ang kalagayan nila. Kami lang ba talaga ni Zayden ang kinuha nila?
"Gising na pala ang dalawang hangal." May lalaking biglang dumating. Nasa likuran niya ang maraming lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay mahigit dalawampu ang kasama niya. Sa mukha pa lang nila ay mukhang hindi na gagawa ng maganda.
"Reneyvar Walker." May diing sabi ni Zayden. Natigilan ako. Kung gano'n si Reneyvar 'to? Teka, paano siya nakatakas? Nakakulong na siya 'di ba? Paano siya nakatakas?
"Tumakas ako. Palagi akong may paraan. I used my connections." Nakangising sabi niya na para bang nabasa niya ang tanong sa isip ko.
"H'wag kayong mag-alala. Tumakas lang naman ako para maghiganti sa inyong lahat. Sinira niyo ang buhay ko! Ang pangalan ko! Lahat na sa akin ay sinira niyo! Kayo ng mga magulang niyo! Sa tingin niyo hahayaan ko na lang lahat ng 'yon? Hindi! Pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo!" Sigaw niya sa amin sabay halakhak.
"Kami pa ang magbabayad? Eh tangna mo pala! Ikaw ang may kasalanan sa amin. Dapat sayo hindi sa kulungan ang bagsak. Sa mental hospital dapat." Saad ni Zayden. Tumawa lang si Reneyvar na para bang may nakakatawa sa sinabi ni Zayden.
"Bago ko pala simulan ang gagawin ko sa inyong dalawa may regalo muna ako sayo." Sabay tingin niya sa akin. "Party mo ngayon 'di ba? May regalo ako sa pagbabalik mo, Sabrina Delevigne." Ngumisi siya.
"BITAWAN NIYO AKO! MGA HAYOP KAYO!" Nagulat ako nang makita ang babaeng hawak ng mga tauhan ni Reneyvar.
"M-mama..."
"Thea..." Pati si mama kinuha niya.
"Para hindi masyadong masakit sayo, 'tong umampon muna sayo ang gagantihan ko. Pagkatapos ang tunay mong mga magulang naman ang sunod."
"Hayop ka! Bakit pati si mama? Wala siyang kasalanan!" Sigaw ko.
"Malaki ang kasalanan niya. Traidor ang peke mong ina. Tama ba ako, Yulie?" Galit na sabi ni Reneyvar at bigla na lang hinila ang buhok ni mama.
"Dapat lang 'yon sayo. Iyon naman talaga ang totoo. Masama akong tao, pero hindi kasing sama mong hayop ka!" Sigaw ni mama sa pagmumukha ni Reneyvar Walker.
"Dapat lang na sinabi ko ang totoo. Matagal ko na dapat sinabi para matagal ka na ring nabulok sa bilangguan! Pinatay mo ang asawa ko! Nararapat lang na binuking kita!" Umiiyak na sabi ni mama. Nagtagis ang ngipin ni Reneyvar. Mas lalo akong kinabahan nang sinampal niya ng sobrang lakas si mama.
"Matapang kang babae ka!" Napasigaw ako nang sinikmuraan niya si mama. Napaubo at napaluhod si mama dahil sa matinding sakit.
"M-mama. T-tama na 'yan. Zayden si mama." Umiiyak na binalingan ko si Zayden. Napamura ng malakas si Zayden. Pinipilit niyang matanggal ang gapos niya, pero nabigo siya.
"Don't f*cking hurt her! Ako na lang ang saktan mo h'wag ang mama ni Althea Ellez."
"Aw. The knight in shining armor. Don't worry Zayden, ikaw ang isusunod ko."
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Teen FictionThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex