Kabanata 48

1.6K 46 0
                                    

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa tunog ng alarm clock. Nasaan ako? Napatingin ako sa suot ko, hmm gano'n pa rin naman. Inalala ko ang mga nangyari kagabi.

"Si Leroy at si...Zayden." Saad ko at nagmadaling lumabas sa silid. Nasa bahay ba ako ni Leroy? Bakit ba kasi nawalan pa ako ng malay kagabi? Sinayang ko tuloy ang pagkakataon na makasama si Zayden.

"Mabuti at gising ka na." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. Nasa sala ako ngayon. Lumingon ako sa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko dahil si Zayden pala ang nagsalita. Kung gano'n siya ang umuwi sa akin nang mawalan ako ng malay?

"Zayden." Masiglang sabi ko at tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Kamuntikan pa kaming matumba dahil mukhang hindi niya in-expect na yayakapin ko siya ng ganito.

"Salamat dahil tinulungan mo ako kagabi nang mawalan ako ng malay. Ang saya ko dahil nagkita na tayo. Alam mo bang palagi kitang hinihintay." Masayang k'wento ko kay Zayden habang nakayakap sa kanya. Sana hindi na 'to isang panaginip at kung totoong panaginip man 'to ayaw ko nang magising dahil kasama ko naman si Zayden.

"Eh? What are you talking about? I'm not Zayden." Naiilang na sabi niya bago ako inilayo sa kanya.

"Kagabi ka pa Zayden nang Zayden. Hindi ko naman kilala ang Zayden na 'yon." Aniya sabay kamot sa batok niya. Hindi siya si Zayden? Paanong hindi eh kamukhang-kamukha niya si Zayden. Ang taas niya, tindig niya, porma niya at ang boses niya Zayden na Zayden talaga.

"Ikaw 'yon. Hindi mo ba kilala ang sarili mo?" Nagtatakang tanong ko. Grabe naman si Zayden kinalimutan niya ang sarili niya.

"Hindi ako si Zayden. Kilala ko ang sarili ko. My name is Cedric." Ngumiti siya sa akin. Natigilan ako. Ngumiti siya! Pero ang totoong Zayden ay hindi kayang gawin 'yon. Kamukha niya nga si Zayden, pero kung makitungo siya ay malayong-malayo sa totoong Zayden. Naalala ko tuloy ang panaginip ko. Ganitong-ganito rin 'yon.

"B-baka nagka-amnesia ka?" Baka naman kasi. Pero nabaril lang naman si Zayden hindi naman siya nabagok noong time na may laban ang DLA at SA. Naapektuhan siguro ang utak ni Zayden? Wahh! Malabo! Siguro nga hindi siya si Zayden. Kamukha lang talaga siya ni Zayden. Kasi naman eh ang layo ng ugali nila.

Mababaliw na 'ata ako sa kakaisip. May kaugali at kamukha si Zayden! Huhu, nasaan na ang totoong Zayden? 'Yong nag-iisang Zayden lang. Walang Leroy at Cedric.

"Wala akong amnesia. Kamukha ko lang talaga siguro si Zayden. Hindi naman malabong mangyari 'yon." Saad niya. Tama siya. Wala namang kakambal si Zayden kaya nagkataon lang talaga siguro ang lahat ng 'to. At ang saklap dahil kung kailan nawawala si Zayden saka ko pa nakilala si Leroy at Cedric.

"Pasensiya ka na kung inuwi kita rito sa condo ko. Kagabi kasi nang mawalan ka nang malay hindi ko alam kung saan kita dadalhin dahil hindi ko kilala kung sino ang mga kasama mo. Nanibago ka lang siguro sa bar kagabi then umiyak ka nang sobra kaya ka nawalan ng malay. Don't worry wala naman akong ginawang masama sayo." Pagpapaliwanag niya. Bakit ang bait niya? Hindi ako sanay. Ang awkward dahil pigura ni Zayden ang kaharap ko. Ganito pala kapag naging maamo ang tigre. Pero kung papipiliin ako, mas gusto ko ang asal tigreng si Zayden. Gusto ko pa rin ang ugali niya. Kapag ganitong mabait siya nakakapanibago at parang nakakawala ng gana.

"Okay lang. Pasensiya na dahil nakaabala pa ako sayo."

"No problem. Sino bang kasama mo sa bar?" Tanong niya. Hala, si Leroy! Patay ako nito. Baka hinintay ako ni Leroy sa bar. Sabi ko pa naman sa kanya babalik din ako. Nataranta rin kasi ako dahil sa halik. Aish! Bahala na nga siya at least natulungan ko na siya do'n kay Claudette.

"Si Leroy." Sagot ko na lang. Binigyan naman niya ako ng mapanuksong tingin.

"Boyfriend mo?"

"Huh? Hindi. Kakilala lang." Depensa ko.

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon