[LIAM's POV]
"Liampo ko, bakit ka may sugat sa labi? Sino'ng kumagat sa lips mo? Wahh! Grabe naman ang humalik sayo ang bad-bad niya." Saad ni Ciara. Nandito kami ngayon sa gilid ng puno malapit sa beach. Ewan ko ba sa babaeng 'to palagi na lang nakabuntot sa akin. Kung saan-saan nagpapasama.
Hindi ko na lang siya pinansin. Sumandal na lang ako sa puno at tumingin sa mga kaklase kong naliligo. Naalala ko ang katangahang ginawa ko. Argh! Hinalikan ko si Thea kaya nasuntok ako ni Zayden. Kasalanan ko! Hindi ako nakapagpigil.
"Liampo!" Pasigaw na tawag ni Ciara at akmang hahawakan niya ang gilid ng labi ko, pero mabilis kong tinapik ang kamay niya.
"Why so bad, Liampo? You're so the mean, huhu. Bakit ganyan ka sa akin? Simula nang sinabi ko sa 'yong Liamporeber ay iniiwasan mo na ako." Saad nito kaya napalingon ako sa kanya.
"Ano ba kasing kailangan mo? Bakit tayo nandito? Baka isipin ng iba nagda-date tayo."
"Ayiee, okay lang 'yon. Nagda-date naman talaga tayo, hihi."
"Timang." Umiiling na sabi ko saka bumuga ng hangin.
"May gift kasi ako sayo, Liampo." Nakangiting sabi nito.
"Ano?"
"Hmm, bracelet. Handmade pa 'yon." Saad niya sabay kindat sa akin.
"Patingin nga." Sabi ko. May kinuha naman siya sa bulsa ng short niya.
"Tada!" Masayang sabi nito sabay pakita ng bracelet na gawa sa mga shells. Ito 'yong mga kinuha naming shells ni Ciara ah. Ginawa niya pa lang bracelet. Haha, maganda rin naman.
"Sayo na lang. Hindi na ako nakagawa ng para sa akin dahil kulang ang shells. Ako na ang magpaparaya, huhu." Malungkot na sabi nito. Drama talaga.
"H'wag mo nang ibigay kung labag lang din naman sa kalooban mo. Take that bracelet. Parang ginawa lang naman kasi ng grade one." Sabi ko sabay tawa.
"Grabe ka! Ang ganda kaya! Halos pinagpuyatan ko 'to tapos sasabihin mo lang na parang ginawa ng grade one. Liampo, itatapon ko na lang 'to, hmp." Naka-pout na sabi nito. Bigla siyang tumalikod sa akin. Akmang itatapon niya ang ginawa niyang bracelet, pero mabilis kong hinuli ang kamay niya.
"Stupid! You made it tapos itatapon mo lang?" Kunot noo na tanong ko. Bigla naman siyang napalingon sa akin. I don't know why? Pero bigla na lang akong natulala kay Ciara. Damn this feeling. Pilit kong iniiwasan, pero nararamdaman ko pa rin. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Ciara? Kahit anong iwas at kontrol ko ay gano'n pa rin.
"Ginawa kasi ng grade one kaya itatapon ko na lang." Sabi nito. Nasaktan ko ba siya dahil do'n? Nagbibiro lang naman ako.
"H-hays! Nagbibiro lang ako. Maganda nga. Isuot mo na sa akin." Bigla namang lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Pinakawalan ko ang kamay niya. Humarap naman siya sa akin.
"Really? Sabi na eh maganda talaga. Liampo h'wag mo 'tong itapon ah. Kapag itinapon mo 'to papakainin kita ng mga shells." Pagbabanta nito habang inilalagay sa kamay ko 'yong bracelet.
"Ikaw pakainin ko ng shells. Tsk!"
"Haha, wow. It so bagay to you." Tila namamanghang sabi nito. Napatingin naman ako sa kamay ko. Bagay naman sa kamay ko. Mukha pa naman akong tao, haha.
"Okay." Sabi ko saka hinila ang kamay ko na hawak ni Ciara.
"Where the was my thank you?" Tanong nito. Haha, english pa.
"Ano?" Kunot noo na tanong ko.
"I asking. Where the was my thank you?" Tanong muli nito.
"Huh? Ano?" Nagtatakang tanong ko. Haha, pagtripan nga. Inilagay ni Ciara ang kamay niya sa baywang niya at tumingin sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Teen FictionThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex