Nandito ako ngayon sa bahay. Sabado ngayon. Kinabahan ako sa sinabi ni Zayden kahapon. Akala ko seryoso siya, pero hindi pala. Nagmukha akong katawa-tawa kahapon.
"Tomorrow is Shantal Delevigne's 18th birthday. The big day is coming! According to Shantal's parents the celebration would be private. Relatives, business partners, family friends and some elite visitors can only go."
Natuon ang tingin ko sa TV. Naka flash ang balita tungkol kay Shantal. Kilala nga talaga ang pamilya ni Shantal sa kahit na anong bagay. Well known family ang mga Delevigne katulad ng mga De Loughrey at iba pang kaibigan ni Zayden.
Birthday pala ni Shantal bukas. Ang gara naman dahil ibinalita pa ang kaarawan niya. Iba talaga kapag sikat. Napatingin ako kay mama na kakalabas lang sa k'warto.
"Mama, tingnan niyo po." Saad ko sabay turo sa TV. Napahinto naman siya at tumingin sa itinuturo ko. Tumaas naman ang kilay niya at nagtatanong ang mga mata.
"Sikat po siya pati na rin ang pamilya niya. Magiging tagahanga niya sana ako kung hindi ko lang nalaman ang totoo niyang ugali."
"K-kilala mo siya?" Tanong ni mama.
"Ah, opo. Siya po si Shantal Delevigne. Same kami ng school." Hindi ko naman p'wedeng sabihin na ex siya ng boyfriend ko dahil paniguradong patay ako kay mama. Nakakalungkot nga dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipakilala si Zayden. Naghahanap lang ako ng pagkakataon para maipakilala ko ng maayos si Zayden sa kanila. Ayaw ko na kasing maglihim pa.
"Same kayo ng school?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama. Naglakad siya patungong TV at mabilis 'tong pinatay. "H'wag na h'wag kang manonood ng tungkol sa mga Delevigne. Bawal kang makipaglapit sa kanila at mas lalong h'wag kang makipagkilala sa kanila. Naiintindihan mo ba?" Galit na sabi ni mama.
"H-huh? Bakit po?"
"Dahil hindi ka kabilang sa kanila."
"Alam ko naman po 'yon. Pero hindi naman siguro masama kung makilala ko sila. Isa pa po kakilala ko na si Shantal. Hindi nga lang po kami magkasundo." Malungkot na paliwanag ko.
"Layuan mo siya!" Nagulat ako sa pagsigaw ni mama. "Bakit hindi mo sinabi sa amin na pareho pala kayo ng paaralan? Nagsisinungaling ka na sa amin ng papa mo. Magmula ngayon hindi ka na babalik sa paaralang 'yon para hindi na kayo magkita pa." Matigas na utos ni mama.
"Po? B-bakit? Ano po ba ang problema? Hindi ko maintindihan, mama." Bakit ayaw niya? Ano ba ang problema ni mama kay Shantal at sa pamilya niya?
"H'wag ka nang magtanong. Sundin mo na lang ang sinabi ko." Akmang aalis na siya, pero pinigilan ko siya.
"Mama..."
"H'wag kang pasaway! Sundin mo na lang ako dahil ako ang nanay mo." Napayuko na lang ako. Sayang naman kung titigil ako sa pag-aaral. Nagsisisi tuloy ako dahil binanggit ko pa ang mga Delevigne kay mama.
"Gusto kong mag-aral, mama. H'wag niyo naman po sanang hadlangan 'yon." Humarap ako sa kanya. "Please po." Pakiusap ko. Itinulak niya ako palayo sa kanya saka ako tinalikuran. Bago pa siya tuluyang umalis ay nagsalita na ako.
"B-birthday ko na rin po bukas, mama. Ito ba ang magiging regalo ko?" Malungkot na sambit ko. Birthday ko na rin bukas at katulad ni Shantal ay 18 years old na ako. Debut ko na bukas, pero parang hindi ko maramdaman. Wala naman kasing celebration. Sanay na rin naman kasi ako dahil mula nang mamulat ako sa mundong 'to ay hindi ko pa naipagdiwang ng masaya ang kaarawan ko katulad ng ibang tao. Sa tuwing sasapit ang birthday ko hindi ko man lang maramdaman ang saya at excitement. Parang normal na araw lang para sa akin. Hindi ko maiwasang mainggit kay Shantal dahil halos lahat ng tao ginugunita ang kaarawan niya.
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Teen FictionThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex