Kabanata 14

2.4K 74 0
                                    

[BLAZE’s POV]

Halos matawa ako sa mukha ni Zayden habang nagmamaneho. Papunta kami sa bar. Nakisakay lang ako sa kotse niya dahil nakalimutan ko kung saan ko nailagay ang susi ng kotse ko. Pero malakas talaga ang kutob ko na itinago iyon ni Roux. Siya lang naman ang nakasama ko kanina sa school.

Inabot ako ng anim na oras sa pagmamakaawa kay Zayden na isabay ako. After nun ay pumayag na siya kaso napilitan lang talaga.

“Zayden, galit ka ba sa kalsada?” natatawang tanong ko. Langya talaga kung magmaneho! Biyaheng kamatayan na. Balak ’ata akong patayin ni Zayden.

Uwah! Hindi pa ako maaaring mamatay! Maraming magluluksa.

Hindi niya ako pinansin. Nanatiling nakatutok sa daan ang kanyang seryosong mga mata.

“Naiwan lang si Thea at Liam gumaganiyan ka na. Ang sakit sa mata ’no?”

“. . . . ." Walang masabi sa mahal kong kaibigan.

“Dre, huwag mo nang pahirapan ang kalooban mo.”

“. . . . .” Wala pa ring pakialam. Nagmamaneho pa rin.

“Dapat kasi inagaw mo si Thea kanina. Sayang!” saad ko sabay acting na parang nanghihinayang.

“Dapat kasi nanonood ka ng k-drama para naman may matutunan kang mga moves para kay Thea.” Alam ko iyon. Nanonood kasi ako.

Wala pa ring paki si Zayden.

“Wala ka kay Liam, ang bilis. Kita mo hindi pa nga sila may yakap at hawak na sa kamay.”

“. . . . .”

“Paano na lang kung maging sila? Omo! Zayden! Baka . . . baka may kiss na tapos hawak sa katawan ni Thea at m-mapupunta sa kama then they will moan their names like there is no tomorrow. One day we will just know that Thea is pregnant and Liam is the father. So, they will get married. Wah! Zayden! Paano na kayo?”

“F*ck! Shut up! Masyado kang advance mag-isip!” saad niya, pero hindi pa rin ako tinitingnan.

“Pero iyon ang naiisip ko. Kawawa ka naman. Hindi na ikaw iyong king kasi si Liam na. Tsk! Tsk! Ang sakit nun. Lum—”

He cut me off.

“D*mn it! Just shut up or else, I will cut your d*mn throat, jerk. Itutulak na talaga kita palabas ng kotse ko habang tumatakbo tapos maiipit ng gulong ng truck iyang p*tanginang ulo mo!”

“Saang ulo?” gulat na tanong ko kay Zayden.

“D*mn! Both. Para patay ka na nga nabaog ka pa.”

“Zayden ang utak mo kulay berde,” tawang-tawang saad ko.

“At kailan pa naging kulay berde ang utak ko? Doktor ka? Nakita mo utak ko? Nakita mo, ha?” Mas lalo akong natawa sa paraan ng pagsasalita niya.

“Hindi ko sinasabi na talagang kulay berde ang utak mo. Feeling innocent si Zayden.”

Hindi siya sumagot. Tumahimik na naman siya.

“Pero seryoso na. Hindi ka ba nagseselos?’

“Bakit ako magseselos? Kaselos-selos ba sila? ’Diba hindi naman? Walang taste! Kahit maghalikan pa sila sa harapan ko wala akong pakialam.”

“Oh, bakit parang galit ka na riyan? Hawak pa nga lang sa kamay halos lumuwa na ang mga mata mo. Parang si tom and jerry.” Nanonood din ako nun.

“Ano sa tingin mo? Kamukha ko ang p*tanginang tom and jerry na iyon? Bakit mo kinukumpara ang mga mata ko sa kanila, ha?”

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon