Kabanata 3

4K 97 1
                                    

Nandito ako ngayon sa gilid ng tulay. Pinagmamasdan ko ang mga sasakyan na dumadaan sa ilalim. Ayaw ko munang umuwi sa bahay. Wala pa akong lakas ng loob. Alam ko kasi na kapag umuwi ako sa bahay problema na naman. Tumingin ako sa kalangitan. Napakaraming bituin, kay gandang pagmasdan. Napakaliwanag nila. Sana may bituin rin ako na magbibigay ng liwanag sa madilim na mundo ko. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Sana malampasan ko lahat ng 'to. Tulungan niyo po sana ako." Pumikit ako at inisip ko lahat ng nangyari sa akin.

'Yong lalaking mahal na mahal ko iniwan ako.

'Yong mga kaklase at teacher kong inaasahan kong tutulong sa akin, dinown pa ako ng sobra.

At 'yong pamilya kong inaasahan kong magiging karamay ko ay wala namang pakialam sa akin.

Sobrang hirap. Nakakasawa na! Nabuhay ba ako para pahirapan? 'Yong mga kaedad ko, hindi naman ganito ang nararanasan, pero bakit sa akin sobra-sobra? Kung may dahilan gusto kong malaman, kung ano? At bakit? Habang nakapikit ako ay nagulat na lang ako dahil may humawak sa baywang ko at hinila ako palayo sa gilid ng tulay. Pero ang malas talaga dahil bumagsak kami sa sahig. Mabuti dahil para sa tao lang ang daan na 'to. Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ko habang nakadagan sa ibabaw ng isang---ANGHEL?

*KURAP*

*KURAP"

Ang tangos ng ilong.

Ang pula at perpekto ng labi.

Ang kinis ng balat.

Ang pungay ng mata.

Lahat-lahat na ay perpekto sa kanya. Pero mas perpekto pa rin si e__ Aisst! Bakit ko pa siya naisip?

"P-pasensiya..N-na." Nauutal na sabi ko saka tumayo. Tumayo rin kaagad siya.

"What are you doing? You're crazy. Magpapakamatay ka! For God's sake! Dito pa talaga?" Sermon niya sa akin. Teka, ano'ng pinagsasabi niya?

"That's not right, Miss. If you've a problem just tell your parents hindi 'yong magpapakamatay ka."

"H-hind__"

"Mag-isip ka. Marami ka pang p'wedeng gawin. Hindi solusyon ang pagpapakamatay. Naiin___"

"Hindi naman ako magpapakamatay, eh." Pagpuputol ko sa sinabi niya.

"What? Pero parang gagawin mo talaga 'yon."

"Nage-emote lang ako kung anu-ano na iniisip mo."

"Eh, nakapikit ka kasi."

"Hindi ako magpapakamatay. Marami pa akong gustong gawin. Oo, marami akong problema, pero hindi ko gagawin 'yang iniisip mo." Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Napahiya siguro.

"Sige. Salamat sa concerned mo. Uuwi na ako." Pagpapaalam ko sa kanya saka siya tinalikuran. Pero napahinto ako dahil hinawakan niya ako sa kamay ko.

"What's your problem? If you don't mind, p'wede ko bang malaman? I see in your eyes you have a lot of problems in your life. Baka makatulong ako."

"Huh? Naku, kaya ko na. Salamat na lang."

"I don't believe you. Go ahead. Tell me. Maybe I'm just a stranger for you, but I assure you, you can trust me well." Parang nalusaw naman ang puso ko nang ngumiti siya. Ang weird niya.

"Hindi mo ba ako aayawan?"

"What? Why?"

"Kasi halos lahat sila ayaw sa akin, pero ikaw iba sa kanila." Bigla naman siyang natawa. Eh? May nakakatawa?

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon