Nanginginig ang kamay at tuhod ko. Nandito kami sa parking lot ng school. Kanina pa kami naririto.
"Let's go. Why don't you want to go inside the school? Is there a problem?" Tanong ni Zayden na mukhang kanina pa naiinip. Hindi ako nakasagot. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag tumuloy kami sa DLA. Naaalala ko ang galit na mukha ng mga estudyante rito. Alam na kasi nila na naghiwalay na si Zayden at Shantal. Hindi nila matanggap na ako na ang girlfriend ni Zayden ngayon. Nang pumunta ako rito ay napahiya lang ako sa lahat. Halos patayin nila ako sa galit.
"Althea Ellez." Hinawakan niya ang kamay ko at maingat na pinisil. "Ano'ng problema?" Seryosong tanong niya. Napabuntong hininga ako.
"Kasi...alam na nila ang tungkol sa atin." Sagot ko. Kumunot naman ang noo niya. "Natatakot ako." Mahinang sambit ko saka yumuko.
"F*ck! Did they hurt you?" Nag-aalalang tanong niya. Tiningala ko siya.
"Hindi. H-hindi naman nila ako sinaktan." Pagsisinungaling ko.
"Liar." Mahirap pa namang magsinungaling sa kanya. "Who stained you?" Tanong niya. Napalunok ako nang umigting ang kanyang perpektong panga.
"Basta. Hindi naman ako nasaktan ng sobra."
"Kahit na. They have no f*cking right to f*cking hurt you. Ang pag-aari ko ay hindi dapat sinasaktan ng kahit na sino. Pumasok na tayo. Papatayin ko ang sino mang mananakit sayo. Mark my f*cking words." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at saka ako hinila papasok sa campus ng DLA. Wala akong nagawa kundi ang magpatanggay na lang sa kanya.
"H'wag kang papatay." Saad ko habang naglalakad kami ni Zayden.
"Hindi maiiwasan 'yon."
"Bakit naman?"
"Kasi gano'n ako."
"Dahil ba gangster ka?"
"Hell yes. May gangster ba na sobrang tino? Wala naman. Kaya nga gangster eh."
"Pero p'wede namang h'wag pumatay."
"Ano pa ang silbi ng pagiging gangster kung walang rayot lalo na ng karahasan? Walang kuwenta ang pagiging gangster ng isang tao kung hindi mababahiran ng dugo ang mga kamay niya."
"Sabihin mo nga sa akin, may pinatay ka na ba?"
"Mayro'n." Walang ganang sagot niya.
"Zayden naman."
"What?"
"Tinatakot mo ako." Napahinto siya sa paglalakad saka lumingon sa akin.
"Natatakot ka ba dahil baka patayin kita?" Seryosong tanong niya. Tumango naman ako. Baka naman kasi biglang dumilim ang paningin ni Zayden sa akin at bigla niya akong mapatay o 'di kaya magalit siya ng sobra sa akin at dahil sa galit niya mapatay niya ako. Naku! Ayaw kong mangyari 'yon.
"H'wag kang mag-alala. Hindi mangyayari 'yon. Masyado kitang mahal para lang despatsahin. Killing you is like killing myself, too. Ikaw kasi ang buhay ko." S-sh*t! 'Yong takot ko napalitan ng kilig.
"Eh. Zeyden nemen kese. H'weg ke peng genyen." Ang pabebe ko, haha.
"H'wag ka ring ganyan kasi mas lalo kang nagiging pangit sa paningin ko." Straight to the point na sabi niya.
"Grabe ka talaga. Parang hindi mo ako girlfriend, ah." I pout. Feeling ko kasi kapag nilalait niya ako hindi niya ako girlfriend. Nakakapangliit.
"Althea Ellez, kahit na sabihin ko pa sayong mukha kang dugyot, pulubi, unggoy, kabayo, palaka o kahit ano pa hindi pa rin magbabago ang katotohanan na girlfriend kita at akin ka."
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Teen FictionThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex