[THEA's POV]
Sa mga lumipas na araw ay maraming nangyari. Nabalitaan kong nakakulong na ngayon si Reneyvar Walker. Marami siyang kasong kinakaharap ngayon. Malakas ang ebidensya laban sa kanya kaya wala na siyang takas pa. Sana lang talaga ay pagsisihan na niya ang mga nagawa niya.
Si mama naman ay nakabalik na sa bahay namin. Nalulungkot ako dahil mag-isa na lang siya do'n. Pero dadalawin ko rin naman siya do'n. Hindi naman ako pinagbabawalan ni mommy at daddy na makipagkita kay mama. Oo masama ang loob ng mga magulang ko sa umampon sa akin dahil malaki ang naging kasalanan nila sa amin. Pero napatawad na rin nila 'to dahil nagawa na niyang itama ang mga maling nagawa. Si papa naman kung nasaan na siya ngayon ay matatahimik na siya dahil nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya at sigurado naman ako na masaya siya dahil naitama na ni mama ang mga naging mali nila noon. Kahit na ano ang mangyari mga magulang ko pa rin sila. Hindi ko pa rin nakakalimutan na sila ang nakasama ko sa loob ng maraming taon. Hindi man naging maganda ang mga alaala ko kasama sila, pero mahalaga 'yon para sa akin. Hindi ko makakalimutan 'yon. Magpapatuloy 'yon kasama ng mga bagong alaala ko kasama na ang totoo kong mga magulang.
Nakausap ko rin pala si Tyler. Humingi siya ng sorry sa kasalanang ginawa ng dad niya. Nagulat siya nang malaman ang kasamaang ginawa ng tatay niya. Akala ko nga magagalit sa akin si Tyler dahil mga magulang ko ang isa sa nagpakulong sa Dad niya. Pero hindi siya nagalit. Naiintindihan niya raw kung bakit kailangang mangyari 'yon sa Dad niya. Kahit daw ama niya 'to ay kailangan niya pa ring pagbayaran ang mga nagawa niyang kasalanan. Mabuting tao naman si Tyler kahit na hindi sila magkasundo ni Zayden alam kong hindi siya katulad ng ama niya.
Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Ang cellphone pa rin naman na nanggaling kay Zayden ang ginagamit ko ngayon. Wala akong planong palitan 'to kahit may binili sa aking bago. May value 'to sa akin dahil nanggaling kay De Loughrey.
Napatalon ako sa tuwa nang makita kong tumatawag si Ciara.
"Hel__"
(Wahhh! Thea my dear! How are you na ba?!) Napapikit ako, inilayo ko ang cellphone sa tenga ko. Ang lakas kasi ng boses niya. Mabibingi 'ata ako.
"Ciara nan__"
(Oh my goddess is me! I hearing what happened to your Iife na! Trending ka sa social media! Kyahhh! Ikaw na babae ka! You don't telling me that you're so mayaman pala. Powteks ka Thea! Delevigne ka pala! Kambal ka pa pala ni Shantalnas! Bakit ikaw pa? Dapat si Lucifer ang kakambal niya. Wahh! Hihimatayin ako sa nalaman ko! Ang daya mo! You're so madaya because you don't telling me kaagad kung anong nangyari sa life mo. Kung hindi pa dahil sa balita, Facebook, Twitter, YouTube, Instagram at sa pagiging tsismosa ko hindi ko pa malalaman ang ganap sa buhay mo.) Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ang sakit niya sa tenga.
"Kumalma ka nga Ciara. Masisira eardrums ko sa ingay mo." Medyo natatawang sabi ko.
(Eh ikaw naman kasi! It's your fault! I hating you na talaga.) Napailing na lang ako sa english niya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang isang 'to. Si Ciara pa rin na unang nakilala ko.
"Sorry na. H'wag ka nang magalit sa akin. Sasabihin ko naman talaga sayo kapag nagkita na tayo." Naupo ako at isinandal ang ulo sa sofa.
(Hmp. Fine. Pinapatawad na kita. Love na love kita eh. Wahh! Miss na kita my dear! I wanna seeing you again! Sorry if ngayon lang ako nakatawag sayo. I'm so busying to my life kasi. Sinusulit ko ang vacation ko. You know naman college life is coming up. I'm so exciting!) Medyo matagal pa naman ang pasukan. Excited talaga si Ciara.
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Teen FictionThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex