Kabanata 55

2.2K 58 2
                                    

"It hurts. F*ck." Mahinang reklamo ni Zayden habang ginagamot ko ang sugat niya sa gilid ng labi. Nandito kami ngayon sa condo niya.

"Bakit ba kasi hinayaan mong gawing punching bag ni papa ang mukha mo? Lumaban ka sana kahit papaano."

"Kung lumaban ako baka ama mo ang ginagamot mo ngayon hindi ako." Sagot niya.

"Sobra naman ang parents mo Thea. Gano'n ba talaga ang mga 'yon?" Tanong ni Roux. Sumunod din kasi sila ni Liam dito. Yumuko ako bago tumango.

"Hays, bakit ba may mga parents na gano'n? Sa kapatid mo ba gano'n din sila?" Tanong muli ni Roux.

"Hindi naman. Kumpara sa akin mas mahal nila si Tanny. Siguro dahil bunso 'to. Pero hindi ako nagtatampo o nagseselos sa kapatid ko. Sana lang kapag malaki na ang kapatid ko h'wag nilang gawin kung ano ang ginagawa nila sa akin ngayon." Nalulungkot ako dahil iniwan ko na naman ang kapatid ko. Kapag nag-aaway si mama at papa wala na naman ako do'n para patahanin ang kapatid ko.

"Don't worry, Thea. Babantayan namin ang kapatid mo. Hindi namin siya pababayaan." Nakangiting sabi sa akin ni Liam.

"Salamat."

"Aist! H'wag nga kayong mag-uusap sa harapan ko. Nagseselos na ako." Reklamo ni Zayden. Tumayo siya at padabog na pumasok sa k'warto niya.

"Parang bata lang." Umiiling na sabi ko. Pareho namang natawa si Liam at Roux.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa inaasal ni Zayden. Pfttt, he has changed a LOT." Sambit ni Roux saka tumayo. "Mauna na ako. May pupuntahan pa kasi ako. Nga pala Thea pumasok ka na sa school bukas. Gusto kang makita ni Ciara." Bilin niya sa akin bago tuluyang umalis.

"Mauna na rin ako. See you tomorrow." Nakangiting sabi ni Liam. Ginulo niya ang buhok ko saka tuluyang umalis. Niligpit ko na ang first aid kit ni Zayden. Uminom ako ng tubig at nagpasyang puntahan si Zayden.

"Zayden." Tawag ko sa kanya nang makapasok ako sa k'warto niya. Narinig ko ang tunog ng shower ni Zayden. Hmm, naliligo siya. Walang masyadong nagbago maliban sa design na panda. Wala na ang mga 'to sa silid ni Zayden. Maging ang picture frame ni Zayden at Shantal ay wala na rin. Napalitan 'to ng bagong picture. Nagulat ako dahil picture ko ang nakalagay. Kuha 'to sa hideout nila sa school. Mahimbing ang tulog ko. Nakakahiya dahil parang nakanganga pa ako. Kasama ko rin si Zayden sa litrato. Siya lang ang nakatingin sa camera. Magkadikit ang pisngi namin. Ewan ko ba, pero kahit nakakatawa ang mukha ko sa litrato ay napangiti pa rin ako. Ang isang Brent Zayden De Loughrey kasi ay masaya sa litrato. Kinuha ko ang picture at masayang pinagmasdan. Kinikilig ako dahil dito.

"What the f*ck." Nagulat ako dahil may umagaw ng frame sa kamay ko.

"Zayden..." Napatingin ako sa mukha niya. Basa at magulo ang buhok. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at pants. Kahit na gano'n ang hot at gwapo niya pa ring tingnan.

"Ang cute ng picture. Ayiee, masaya siya sa picture kasi ako ang kasama." Natawa ako dahil namula ang pisngi niya.

"Masaya ako sa picture kasi ang pangit ng kuha mo. Actually, mukha kang naka rugby sa kuha mo." Seryosong sabi niya. Ipinakita niya pa sa akin ang frame at 'tinuro ang mukha ko. Napasimangot naman ako. Sobrang judgemental niya talaga. Grrr! Ipinatong niyang muli ang picture frame sa table.

"Ano na namang arte 'yan?" Nakapamulsang tanong niya. "H'wag ka ngang sumimangot d'yan. Lalo kang nagmumukhang pangit sa paningin ko." Dagdag pa ni Zayden.

"Ang laitero mo talagang hinayupak ka." Dinuro-duro ko siya. "Ikaw mas lalo kang naging pangit dahil sa mga pasa mo sa mukha."

"Really? Sa tingin mo kasi sa akin ngayon parang mas lalo akong naging hot at gwapo sa paningin mo. H'wag kang sinungaling." Kampanteng sabi niya. Wow! Ang taas ng tingin sa sarili. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Wala akong masabi kasi tama naman ang sinabi niya. Bakit kasi ang unfair ng mundo? Masyadong pinagpala ang tigreng 'to.

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon