[LIAM's POV]
Lumipas ang ilang araw at back to school na naman. Noong time na nasa island kami si Zayden and Thea ay umalis dahil kailangang mailigtas si Thea. Tsk napakasama kasi ng Shantal na 'yon. Nang wala na si Zayden at Thea sa isla ay halos magwala siya. Sa last night which is may party ay nagpakalasing siya at after nun nag wild na siya. Binasag niya ang mga baso.
"Kayo na nga talaga?" Pagkapasok ko sa classroom ay 'yon kaagad ang narinig ko. Inayos ko ang bag ko at tiningnan ang mga kaibigan ko na pinapalibutan si Zayden. Lumapit ako sa kanila.
"Yes." Sagot ni Zayden. Halata sa boses niya ang saya. Hindi 'to katulad ng kay Shantal. Ibang-iba talaga.
"Wah! Sa wakas! Naniniwala na ako sa comeback." Masayang sabi ni Roux. "I told you, kayo nga talaga." Dagdag pa ni Roux.
"You were lucky to have a friend like us dahil kung hindi dahil sa mga magic words namin ay baka duwag ka pa rin ngayon." Natatawang sabi ni Blaze. Totoo ngang nagkabalikan na si Zayden and Thea. May kirot sa puso ko. Masakit at nakakalungkot, but I have to accept the fact that Thea is not for me. I will just wait for the right time and the right girl for me.
That's okay, Liam. Kahit nabigo ako ay magiging masaya na lang ako para sa kanila. Darating din ang para sa akin. Pero hindi ibig sabihin na wala ng puwang si Thea sa puso ko. Mahal ko pa rin siya.
"Shantal is mad. Mad as hell!" Saad ni Avery kaya natahimik si Zayden.
"Hindi ko na hahayaang masaktan niya si Althea Ellez katulad ng nangyari sa isla." Zayden says full of reliance. Natigilan kami dahil biglang bumukas ng sobrang lakas ang pintuan. We all look there and we saw Shantal and her friends. They were not wearing their school uniform. Shantal is wearing a black ripped jeans, crop top with her hoodie jacket. Curly hair and her attractive black lipstick. Uh-oh- the gangster Queen. They were slowly walking towards us. I swallowed as I heard the sound of her high heels. She stopped in front of Zayden. I looked at my cousin. He was seriously looking at Shantal.
"F*ck you, Zay! Anak ka ng kasinungalingan. I hate you! I really do! You fooled me!" Galit na Sabi ni Shantal saka hinampas ang armchair ni Zayden.
"Tch." Umiiling na sambit ni Zayden saka tumayo. Akala ko kung ano na ang gagawin ni Zayden, pero dinaanan lang niya si Shantal. Haha, boo! Hindi na ikaw Shantal.
"Come back here!" She shouted. Nang hindi man lang siya pinansin ni Zayden ay siya na ang nagkusang sumunod.
"I'm not done yet!" Sabay silang napahinto sa pintuan. We just looking at them.
"You have not done anything yet. Where?" Walang emosyon na tanong ni Zayden.
"Hindi ko matatanggap na wala na tayo! Come back to me." Shantal is like a desperate creature. "Hindi pa masyadong alam ng lahat na wala na tayo at ipinagpalit mo ako sa babaeng 'yon. When they knew it all siguradong hindi nila matatanggap. And that woman? I'm sure they will refuse her as your damn girlfriend." Galit na sabi ni Shantal.
"If you keep your damn relationship with that flirty. I am sure the whole folk would never accept that relationship, Zay." Nakangising sabi ni Shantal. "Dahil para sa mata ng lahat tayo lang ang nararapat." May paninindigang sabi ni Shantal. Pftt, taas ng tingin sa sarili.
"Para sa mata ng lahat ay tayo, pero para sa mga mata ko, kami lang ni Althea Ellez ang nararapat." Ganting sabi ni Zayden. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng mga kaibigan namin. Haha, pahiya ka Shantal.
"Stop this madness, Shantal!" Dagdag pa ni Zayden saka tinalikuran si Shantal. Pero hindi pa rin nakontento ang babae dahil sinundan niya pa rin si Zayden.
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Teen FictionThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex