[THEA's POV]
Nakatulala ako sa kisame. Iniisip ko pa rin ang nangyari. Nandito na ako ngayon sa ospital. Dinala kami rito pagkatapos ng mga nangyari.
"Baby, I'm really sorry sa nangyari." Umiiyak na sabi ni mommy.
"Wala kayong kasalanan, mommy. Hindi kaagad natin nalaman na nakatakas si Reneyvar." Patay na si Reneyvar. Nagpakamatay siya sa takot na makulong.
"May masakit ba sayo anak? Sabihin mo sa amin kung may masakit sa katawan mo?" Nag-aalalang sabi ni daddy.
"Okay na po ako. H'wag po kayong mag-alala sa akin." Ngumiti ako para ipakitang ayos lang ako.
"Hindi namin alam ng daddy mo kung ano ang gagawin namin kapag nawala ka ulit sa amin." Humihikbing sabi ni mommy. Kanina pa talaga siya emosyonal. Nang malaman nga raw niya na hawak kami ni Reneyvar ay nahimatay siya.
"Hindi na po ako mawawala sa inyo. Tahan na po." Pinunasan ko ang luha niya. Alam kong pinag-alala ko sila. Salamat sa diyos dahil nakabalik ako ng buhay sa pamilya ko.
"Ikinalulungkot namin ang nangyari kay Yulie."
"Masakit po dahil wala na siya. Pero katulad ng kay papa kailangan kong tanggapin na wala na siya. Kung nasaan man siya ngayon, sigurado akong magkasama na sila. Kailangan ko rin pong maging matatag para sa inyo."
"Lakasan mo lang ang loob mo. Nandito lang kami ng daddy mo para sayo. Hindi ka namin iiwan."
"Mananatili si mama sa puso at isipan ko. Mommy, daddy salamat po dahil nandito kayo sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag wala kayo."
"Anak ka namin at mga magulang mo kami hindi p'wedeng wala kami sa tabi mo." Niyakap nila ako.
"Ano po ang sinabi ng pamilya ni Reneyvar?"
"They ask for forgiveness. They knew that Reneyvar did wrong. Hindi nila inakala na magagawa lahat ng 'yon ni Reneyvar. We can't blame them kasi si Reneyvar lang naman pala lahat may gawa." Nakakaawa ang iniwang pamilya ni Reneyvar. Kung nagsisisi lang sana siya baka magkasama pa sila ng pamilya niya.
"Si Zayden po?"
"In another room. He wants to tend here with you. But he was not allowed. Because the doctor still treats his cuts." Binugbog nga pala siya. Sana okay lang siya. Kanina akala ko katapusan ko na, pero mabuti na lang dumating ang mga kaibigan ni Zayden kaya nasagip pa ako ni Zayden.
"Nagpabili kami ng pagkain. Gusto mo bang kumain?" Tanong ni daddy. Umiling ako.
"Magpapahinga na lang po muna ako."
"Sige. Babantayan ka namin." Tumango naman ako. Pumikit ako habang hinahaplos ni mommy ang buhok ko. Sa piling nila, alam kong ligtas na ako.
*****
Nang magising ako akala ko si mommy ang makikita ko. Pero nagulat ako nang makita ko si Zayden na seryosong nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa gilid ko. Malinis na ang natamo niyang sugat sa mukha. Inangat ko ang kamay ko para haplusin ang mukha niya.
"Kawawa naman. May sugat ang gwapong mukha." Malungkot na sabi ko at mahinang hinaplos ang sugat niya.
"Okay ka na ba?" Tanong ko habang nakatitig pa rin sa mga sugat niya.
"I love you." Sagot niya.
"Ang layo ng sagot mo." Medyo natawa ako ng mahina.
"I'm fine. How about you?"
"Okay lang din. Si mommy at daddy?"
"They talk to your doctor."
"Ahm, nagugutom ako." Tumango siya. Kinuha niya ang pagkain sa table. Hindi na ako nagreklamo nang sinubuan ako ni Zayden.
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Teen FictionThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex