Kabanata 36

1.7K 55 0
                                    

Pagkatapos ng gabing 'yon balik na naman sa normal ang school. Habang ginaganap ang party kagabi ay nasa labas lang kami ni Liam. Naupo kami sa bench. Hindi ko kasi kayang makisama sa lahat. Bawal din kasing umuwi kagabi kaya kailangan ko na lang patapusin ang party. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na ako habang nakasandal sa balikat ni Liam. Inutusan ko naman siyang bumalik sa party, pero ayaw niya. Mas pinili niyang samahan ako nang gabing 'yon. Siya na nga rin ang naghatid sa akin pauwi. Hays! Masyado ng malaki ang utang na loob ko kay Liam. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko siya masusuklian.

Naglalakad ako ngayon papuntang building namin ngunit napahinto ako dahil may mga taong nagkukumpulan malapit sa gawi ko. Kantiyawan ang naririnig ko kaya dahil sa pagtataka ay nakitsismis na rin ako. Medyo nahihirapan akong makisali dahil medyo kinulang ako sa height, hihi.

"Where did you get the courage to stand on my way?" Tanong ng isang tinig. Parang pamilyar?

"Hindi naman ako humarang. In fact you are the one who blocked my way." Sagot naman ng isang seryosong tinig. Napasinghap naman ang lahat dahil do'n. Kaunting galaw ang ginawa ko at sa wakas ay nakita ko na rin ang pinagkakaguluhan. Isang babae na sa tingin ko ay junior high school pa lang base sa uniform nitong pang-itaas. Blouse kasi. Mahaba ang medyas nito hanggang dulo na ng skirt niya tapos kulay itim pa. Medyo hawig sa black shoes ang sapin sa paa niya, ang haba rin ng skirt niya, may kalakihan ang blouse niya, malaking salamin ang suot niya at mababang ponytail ang ayos ng buhok nito. Hawak niya ang isang makapal na libro. Woah! Nerd, pero ang cool niya.

"How dare you to talk back, nerd? Oh, crap! MANANG pala!" Nagsitawanan naman ang iba dahil sa panlalait kay nerd.

"I've a mouth. So sasagot talaga ako. Masyado naman 'atang bastos kung hindi kita kakausapin pabalik." Banat ni nerd, hihi. Napatingin ako sa kaharap nito. Gayon na lamang ang pagkagulat ko dahil ang girlfriend ni Zayden ang nakikita ko kasama ang mga alipores nito. Same uniform kami, pero pamatay ang suot nitong heels, mas bagay sa kanya ang uniform niya. Naging cool pa 'to dahil sa black lipstick niya. Wahh! Venus ang dating! Ang bag at alahas, lahat ng gamit niya ay may class talaga.

"Tsk!" Tila natatawang sagot nito sabay irap sa hangin. Nagulat ako dahil bigla na lang niyang sinampal si nerd. Sa sobrang lakas ng sampal ay tumilapon sa sahig ang malaking salamin ni nerd. Grabe! Kinabahan ako do'n. Kawawa naman siya.

"Don't you know me?"

"I know you." Tipid na sagot nito.

"Really? So show respect."

"Ah, oo pala. Sabi nila gumalang sa mas nakakatanda sayo. Mas matanda ka nga pala sa akin, pero ang labas kasi parang mas matured pa akong mag-isip sayo." Ani ni nerd. Whut! Bilib na ako kay nerd.

"Ows? Let's see." Biglang inangat ng babae ang paa nito. Sa kilos niya ay mukhang alam ko na kung ano ang gagawin nito. Psh! Patay ang salamin ni nerd, paniguradong basag 'to sa heels ng babae. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong nataranta kaya naitulak ko ang ibang nakikitsismis. Napaluhod ako sa sahig at nagmadaling pinulot ang malaking salamin. Medyo masakit sa tuhod saka kamuntikan na ang salamin at kamay ko sa takong. Mabuti na lang at mabilis ang naging galaw ko.

Tumahimik ang lahat. Inangat ko ang tingin ko. Ang labas tuloy ay nakaluhod ako sa harapan ng babae. Parang may kuryente sa mga mata namin nang magkatitigan kami. Sa titig nito ay tila kinikilala niya ako. Ay! Grabe kung tumitig. Hinayaan ko na lamang siya. Tumayo na ako at hinarap si nerd.

"Salamin mo." Nakangiting sabi ko sabay lahad ng salamin. Ngumiti siya sa akin ng tipid bago tinanggap ang salamin.

"Salamat." Sabi nito sabay hila sa akin palayo sa lugar na 'to ngunit hindi pa kami nakakalayo ng tuluyan ay sumigaw na ang babae.

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon