Kabanata 5

3.8K 99 2
                                    

Nakasuot na ako ng uniform ngayon. Kasama ko si Liam na pumasok sa mismong campus. Grabe! Sobrang laki talaga.

"Kyahhhhh! Si Liam!!!!!!!" Halos mapatalon ako nang biglang sumigaw ang mga kababaihan nang makita nila si Liam. Kaya dahil sa ginawa nila ay napunta sa amin ang buong atensiyon nila.

"OMG!!! SI LIAM!!"

"Ang gwapo mo, Liam!"

"Sh*TT! Heaven."

"Wait, who's with Liam? Who's that woman?"

"Woah! Si Liam Cohen, may babaeng kasama? That's new, huh. Who's that woman?"

"A new student, I think."

"Bakit sila magkasama?" Halos mabingi ako sa bulungan nila. Bakit ngayon lang ba nila nakitang may babaeng kasama si Liam?

"Who's this woman, Liam?" Limang babae ang humarang sa harapan namin. Base sa suot nila ay sila 'ata ay mga cheerleaders ng school. Almost perfect, ang tangkad at ganda nila.

"Why?" Painosenteng tanong ni Liam.

"Bakit kayo magkasama?"

"Well, she's my friend."

"What? May kaibigan kang babae? Kailan pa?" Akala ko ay sasagutin ni Liam ang tanong nila, pero hinila lang ako ni Liam palayo sa kanila. Ang sama ng tingin nila sa akin. Hala! Bakit?

"Don't mind them, Thea. H'wag kang lumapit sa kanila lalo na kapag wala ako sa tabi mo." Seryosong sabi ni Liam habang hinihila ako.

"Bakit naman?"

"I think ayaw ng mga babaeng 'yon sayo."

"Hala! Bakit may ginawa ba ako, Liam?" Kinakabahan na tanong ko. Tumigil naman siya saka lumingon sa akin.

"Nagseselos sila sayo."

"Nagseselos sila? Bakit?"

"Kasi kasama kita. At ikaw ang unang babaeng nakita nilang kasama ko."

"G-gusto ka nila?"

"Hmm, let me say, yes."

"H-huh? Paano na 'yan?" Nag-aalalang tanong ko. Bigla naman siyang natawa. Eh? May nakakatawa?

"Ano'ng nakakatawa, Liam?"

"Nothing. Ang cute mo kasi lalo na kapag nag-aalala. Don't worry akong bahala sayo." Nakangiting sabi niya saka ginulo ang buhok ko. Ang hilig niyang gawin sa akin 'to. Gulo na nga 'yong buhok ko ginugulo pa niya. Huhu, may galit 'ata sa buhok ko si Liam.

"SIGE LABAN! WOAHH SIGE SUNTUKIN MO!"

"T*NG INANG, HUHUGIN KA! LUMABAN KA! SAYANG ANG PUSTA KO SAYO!"

"HAHAHA, TALO NA ANG MANOK MO, PRE!"

"G*GO! HINDI 'YAN. LALABAN 'YAN. TINGNAN MO BABANGON PA 'YAN!" May mga lalaking nakapabilog tapos sa gitna nila may dalawang nagsusuntukan. Napangiwi na lang ako nang makita ko ang basag at duguang mukha ng dalawa.

"L-liam, a-awatin mo. Baka mamatay sila."

"Hayaan mo na. Haha, sayang hindi ako nakapusta." Nagulat ako sa sinabi niya.

"N-nakikisali ka rin?"

"Sometimes." Nakangiting sagot niya.

"Hayaan mo na, Thea. That scene is normal here." Naalala ko ang sinabi ni Liam sa akin tungkol sa school. Totoo nga talaga. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad until mapahinto kami sa dalawang bakla na may sarili 'atang mundo dahil nagsasabunutan sila rito.

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon