Kabanata 22

2.1K 63 0
                                    

"Hoy, Zayden ano na? Bakit pinapatawag mo ako?" Tanong ko kay Zayden na ngayon ay seryosong nakaupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa tambayan nila Zayden. Tulad dati tumakas na naman ako sa klase ko dahil kay Zayden. Apat na araw na rin ang lumipas after nang pag-uusap namin ni Liam noon.

"Gusto lang kitang makasama. Bawal?" Taas kilay na tanong nito sa akin.

"Ayieee, ikaw ah. Nai-in love ka na ba sa akin?" Nakangiting saad ko. Haha, alam niyo bang ginagawa ko na ang best ko para mapaibig si Zayden, pero pinagsusungitan lang ako sa tuwing nilalambing ko siya. Ang arte niya talaga.

"Not yet." Walang ganang saad nito.

"Bakit ang tagal mong mahulog sa akin? Ginagawa ko naman ang lahat. Bakit ayaw pa rin?"

"Tch. Wala ka kasing taste kung magpaibig."

"Wow naman. Baka nai-in love ka na rin sa akin. Tinatanggi mo lang kasi nahihiya ka. Ayieee, Zayden aminin mo na kasi. 'Di ba tama ako? Mahal mo na ako, hihi." Nakangiting saad ko saka sinundot ang tagiliran niya.

"Ano ba!" Masungit na sabi niya saka tinapik ang kamay ko. Aray naman! Masakit, ah.

"Ang sama mo talaga!" Naiinis na saad ko saka tumayo sa harapan niya. "Pinapunta mo ako rito para lang awayin? Naku! Napaka ewan mo! Nakakatamad ka na! Bahala ka nga sa buhay mo!" Saad ko saka siya tinalikuran. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay may humila na sa uniform ko kaya muli ako napaupo sa sofa katabi ni Zayden, pero hindi as in nakaupo 'yong tipong parang nakahiga na rin ako. Eh? Basta 'yon na 'yon, hehe.

"H'wag mo akong tatalikuran, babae." Pagalit na sabi niya. Wow! Siya pa ang galit? Tatayo na sana ako ngunit bigla na lang hinarang ni Zayden ang katawan niya sa akin.

"A-ano ba, Zayden."

"Aalis ka pa rin ba?"

"O-oo. Hindi mo naman kasi ak__" Hindi ko na natapos 'yong sinasabi ko dahil biglang inilapit ni Zayden 'yong mukha niya sa akin. Sh*t! Napapalunok na lang ako ng laway ko nang malanghap ko ang nakaka-in love na pabango niya. Parang na glue 'ata ang mga mata ko sa napakagandang mata ni Zayden. Bakit ba ang gwapo? Ang lakas ng tama ko sa lalaking 'to.

"Hindi ka aalis hangga't hindi ko sinasabi sayo." Malamig na saad nito sa akin. Bakit pati boses ang ganda? Napasinghap na lamang ako nang halikan niya ako sa noo ko pababa sa ilong ko at sa magkabilang pisngi ko. Taena! Napapamura ako sa simpleng paghalik niya. Tumigil siya saka tumingin sa mga mata ko. 'Yong parang nahuhulog ako sa mga mata nito. Ahhh! Nakakabaliw!

"Damn, woman." Mahinang usal nito. Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan na akong dinaganan ni Zayden. Wahh, 'yong matipunong katawan niya nakapatong sa katawan ko.

"A-anong ginagawa mo? Matutulog ka ba? Mahuhulog tayo, Zayden. Hindi tayo kaysa rito. Teka, ako na ang babangon para makatulog ka ng maayos." Pabibo talaga 'tong si Zayden. Matutulog na nga lang sa katawan ko pa. Ang bigat niya kaya, huhu.

"Fudge! Just lie down and let me do what I want."

"Ha?"

"God! Slow!" Pasigaw na sabi nito.

"Tumalsik laway mo, Zayden." Pagbibiro ko sa kanya.

"Stop teasing me."

"Eh? Bakit ka ba kasi nakadagan sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Jusko! Ang awkward ng ganito.

"Gusto ko." Bulong nito sa akin. Nagulat na naman ako nang bigla niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko. Kinikilabutan at kinakabahan ako. A-ano ba ang ginagawa ng lalaking 'to?

"Z-zayden." Nauutal na sabi ko nang bigla niyang hinalikan ang gilid ng tenga ko. Peste! Nakuryente 'ata ako ng ilang ulit. Mula sa tenga ko ay bumaba ang labi niya sa leeg ko. Omoo?

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon