"Don't worry, Thea. I'm here to supporting you. I promising to Liampo that I'll take a good care with you." Ito na naman tayo sa alien language ni Ciara. English ng alien. Joke lang. Love ko 'tong si Ciara.
"Salamat, Ciara." Naglalakad kami sa hallway ng school.
"Ciara!"
Napahinto kami dahil sa tumawag. Nagsitilian naman ang mga babaeng nandito. Kaya naman pala dahil 'yong medyo red ang buhok ay nandito. Ano na nga ang pangalan niya? Roy? Ron? Ayy, nakalimutan ko, eh.
"Yes, brother?" Medyo maarteng tanong ni Ciara. Kapatid niya pala. 'Yong sinasabing kambal ni Ciara. Mabuti pa si Ciara may kapatid na lalaki. Ako, gusto kong magka-kuya, pero hindi nangyari, huhu.
"Where are you going?"
"I'm going to classroom. And you? What are you here? Dapat nasa classroom niyo na ikaw. Don't you tell me may ginawa ka na naman, Roux?"
"Pfttt. Pumunta lang ako sa girl's comfort room." Natatawang sagot niya.
"Ano'ng ginawa mo sa CR ng babae?" Hyper na tanong ni Ciara saka namaywang, haha parang nanay lang.
"Alam mo na. Nag pasabog, pfttt." Sagot nito saka kumindat.
"Oh my goddess is me! Wahh! You made t**t on there? Don't tell me it's so fire there? Brother, bakit pati janitress pinatos mo?" Kaagad nawala ang ngiti sa labi ng kapatid niya.
"What? Janitress? Langya ka Ciara sa tingin ko papatulan ko 'yon? Haha, senior citizen na 'yon eh! Kadiri ka, bwahaha."
"Eh, siya 'yong nakita ko kanina sa CR kaya akala ko siya."
"Palibhasa siya ang nakita mo do'n siya na kaagad? Paano kung aso ang nakita mo? Pftt, haha I can't imagine that I'm having sex with the dog." Parang gusto kong matawa, pero pinipigilan ko lang.
"Kung hindi. Sino?"
"'Yong hot na babae sa 12 E."
"Tae ka! Dapat lumipat ka na lang ng section. Dapat sa 12 E ka hindi sa 12 A."
"Gusto ko rin nga kaso hindi ko p'wedeng iwanan ang mga kaibigan ko."
"I don't know to you. Babaero ka!"
"Masama bang magpainit?" Saad nito sabay hagalpak nang tawa.
"You want me to burning you on fire, ha?!" Hindi na ako magtataka kung kambal nga sila, parehong mahilig sa apoy, sa ibang paraan nga lang, haha.
"Don't speak english, Ciara. Nakakahiya, haha."
"Aba! Mas may sense naman akong mag-english kaysa sayo, brother. Hmp!"
"Fudge!" Umiiling na saad nito.
"Hala! Nakalimutan ko na si Thea." Ahaha, mabuti at na realized mo, Ciara. Nangawit na ako rito hindi pa rin ako pinansin. "Hey, brother she's my beautiful friend, Thea. Well, I guess you already knowing her." Tila may kahulugang saad niya. Mukhang alam na 'ata ni Ciara.
"Hello, Thea." Nakangising sabi ng kapatid ni Ciara saka nakipagkamay sa akin.
"H-hai." Ganting bati ko sa kanya.
"By the way I'm Roux Vincent Cunningham. Zayden's best friend."
"Ah, nice to meet you, Roux."
"Brother, say sorry to her."
"Why?"
"Pinagpustahan niyo siya." Galit na sabi ni Ciara. Bakit niya pa pinaalala, huhu.
"A-ah, he-he." Napakamot naman sa ulo si Roux bago tumingin sa akin. Gandang lalaki. Bakit lahat sila almost perfect na? Samantalang ako walang-wala, huhu. Si Liam tila isang anghel ang kapogian. Si Roux naman malakas 'yong appeal. Gwapo rin. Siya 'yong tipong bad boy look. Ang hot niya, mula sa katawan maging sa tingin niya sayo. Nakakapaso.
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Novela JuvenilThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex