Kabanata 30

2K 64 0
                                    

[THEA's POV]

Pagkatapos ng walkout namin ni Zayden ay dinala niya ako rito sa tinatambayan nila. Namiss kong magtambay dito. Pero back kay Zayden. Natatawa ako sa isip ko dahil sa pinaggagawa niya. Halatang nagseselos.

"Bakit ka nanghihila d'yan? Nakita mong nag-uusap pa kami ni Liam." Kunwari ay naiinis na tanong ko. Bigla naman niyang binitiwan ang kamay kong hinawakan niya saka ako tiningnan ng seryoso. Napalunok ako. Bakit ang gwapo? Bakit mas nagiging cute kapag nagseselos? Kyahh! Kinikilig ako sa mukha niya. Nakaka-in love.

"Talking or flirting?" Nakataas kilay na tanong nito.

"P'wede ba. H'wag mo ng sisirain ang magandang moment namin ni Liam." Nakapamaywang na saad ko with matching taas kilay pa 'yan. Hihi, kunwari galit.

"Sisirain ko ang moment niyo, ALWAYS! Hindi ko hahayaang magkasama kayo."

"Psh! Ewan ko sayo." Walang ganang saad ko.

"You always bring bad days. It's not funny anymore."

"Aba! Grabe ka. Inaano ba kita?"

"F*ck! Stop acting like you don't know what I mean. You already know...that I was f*cking jealous. Nakakainis lang kasi parang hindi mo man lang ako iniisip every time na nand'yan si Liam. Ni kahit kaunting lingon sa akin ay hindi mo ginawa. Wala na ba talaga akong halaga sayo?" Nagulat ako dahil sa kadramahan niya. Pero medyo madrama ang sinasabi niya kaso 'yong mukha niya wala man lang emosyon. Haha, robot na nagdadrama, pfttt.

"Alam mo ba na ayaw kong nagseselos ng ganito. Okay lang sana kung si Liam ang nagseselos, pero hindi okay kapag ako na ang nagseselos kasi pakiramdam ko mas masakit kapag ako 'yong nagseselos." Omo! Omo! Wahh! Kinikilig ako. Para na akong baliw sa isip ko. Bakit natutuwa pa ako kapag nagseselos siya? Hihi, gano'n talaga siguro kapag nalaman mong nagseselos 'yong taong mahal mo. Matutuwa ka dahil sa kilig.

"Eh 'di h'wag mo kaming pansinin ni Liam para hindi ka magselos. Pumikit ka o 'di kaya umalis ka kapag nand'yan kami ni Liam."

"I can't."

"Tsk! Bahala ka sa buhay mo."

"Layuan mo na si Liam. Kahit mahal mo siya layuan mo siya. Ako na lang ang lapitan mo. Ako na lang kahit hindi na ako ang laman ng puso mo." Wahaha, saan niya natutunan 'yan? Bakit ang drama? Panigurado may tumuro sa kanyang gawin 'yan.

"Ayaw ko. Loyal ako kay Liam."

"Loyal ka kahit hindi pa kayo? Tch. Kapag niligawan ka na niya h'wag kang pumayag."

"Bakit naman?"

"Kasi hindi ko kayang tanggapin. If you become a lover. I will be the barrier. I will break your relationship. Say no to Liam."

"At kanino ako magye-yes?"

"Sa akin."

"Pffttt. Sayo? Bakit nagtatanong ka ba?" Hindi naman sa gusto kong magparinig, pero magpaparinig na rin ako, haha.

"Asking what?"

"Ahm. Na ligawan ako." Sh*t, lupa! Bakit ko sinabi 'yon? Ang landi ng dating! Paksh*t! Nahihiya na ako kasi mukhang nagulat si Zayden sa sinabi ko.

"Pero s'yempre biro ko lang 'yon. 'Di ako magpapaligaw sayo kasi gusto mo lang ako tapos hindi na rin naman kita mahal kaya hindi p'wede." Wala sa sariling sagot ko saka siya tinalikuran. Argh! Thea, ang tanga mo talaga! Hindi pa ako nakakalayo kay Zayden nang bigla niya akong hinawakan sa baywang ko at biglang isinandal sa pader.

"Aray!" Daing ko nang mauntog ang ulo ko sa pader. Napalakas 'ata pagkakasandal niya sa akin kaya pati ulo ko nadamay, huhu.

"F*ck! What's wrong?" Wala sa sariling tanong nito.

Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon