[SOMEONE's POV]
"Do you know her name?" I ask my colleagues. I ordered them to know the name of the woman na kasama ni Zayden nang minsang magkita kami ni Zayden sa highway. I'm interested in the woman. Kakaiba kasi ang dating niya para sa akin. Wala pang babae na nakakuha sa atensiyon ko. That's the first time. Ano kaya niya si Zayden? Bakit sila magkasama? Siguro magkakilala lang. Malabo namang maging girlfriend kasi sa pagkakaalam ko si Zayden at Shantal ay hindi na mapaghihiwalay.
"Bakit ba interesado ka sa babaeng kasama ni Zayden?"
"Moleukesseoyo." Sagot ko. Korean language 'yon kaya hindi ko alam kung naintindihan nila. "Interesado lang ako sa kaniya." Seryosong sagot ko.
"Ah, gano'n ba. Master, do you like her?"
"Aniyo!" Depensa ko kaagad.
"Aniyo? No ba ibig sabihin nun, master?" I nodded.
"Hehe, okay! Okay."
"Kung sa bagay kahit kami ay interesado rin sa kanya. Iba kasi ang trato ni Zayden sa babaeng 'yon. Curious tuloy ako kung ano ang mayro'n sa kanila. Ngayon ko lang kasi nakitang may ibang babaeng kasama si Zayden bukod sa girlfriend niyang si Shantal."
"Oo nga. Binantaan pa nga tayo ni Zayden dahil sa babaeng 'yon."
"Mukhang may tinatago ang leader ng Dark Enigmatic Gang." Tukoy nila sa gang na pinamumunuan ni Zayden. I did not mind what they were saying about Zayden basta 'yong babae ang iniisip ko.
"Jeoleul jom dowa jusillaeyo?" Tanong ko sa kanila. Natigilan naman sila at sabay-sabay na napakamot sa batok. "I mean can you help me?" Napangiti naman sila saka sabay-sabay na napatango.
"Tulungan saan, master?"
"Help me to see her." Tukoy ko sa babae. Medyo may pag-aalangan sa mga mukha nila, pero sa huli ay pumayag din. May parte sa akin na natutuwa na makita siyang muli.
*****
(moleukesseoyo=I don't know)
(aniyo=No)
(jeoleul jom dowa jusillaeyo?=Can you help me?)*****
[SHANTAL's POV]
"Mga palpak!" Sigaw ko sa mga inutil kong kaibigan. Damn! Naisahan kami ng Thea na 'yon. Buong akala namin ay si Thea talaga ang nakita namin, pero si Ciara pala talaga. Si Ciara ang nalunod sa halip na si Thea. Epal din ang isang 'yon.
"Liam saved Ciara. We're all dead dahil nakilala 'ata tayo ni Ciara."
"Stupid! Are you afraid? Tsk! Eh 'di gumanti sila. I'm not afraid." Para saan pa at naging gangster Queen ako kung matatakot lang ako? Hindi ako ipinanganak para maging duwag.
"Shantal." Napatingin kami sa bagong dating.
"Zephyr?" Kunot noo na tanong ko.
"Can we talk?" Seryoso ang tinig niya. Ngumisi ako sa kanya.
"Hindi." Sagot ko saka siya binigyan ng isang masamang tingin. Napabuntong hininga siya tila nagpipigil na mainis sa akin. Tsk, mukhang nasagad ko ang pasensiya niya. Well, wala naman akong pakialam.
"What the f*ck!" Asik ko nang bigla na lang akong hinila paalis ni Zephyr. Ang mga kaibigan ko ay walang nagawa kundi ang matulala na lang sa amin. Mga wala talagang silbi!
Namalayan ko na lang na dinala niya ako sa garden ng school. Ano na naman ang trip ng g*gong 'to? Hindi ba siya na informed na hindi ako nagpapahawak sa iba. Baka may virus pa ang lintek na 'to.
"Why did you bring me here? Kulang ka sa pansin? Ghad! You f*cking stay away from me!" Sigaw ko sa kanya saka siya 'tinulak ng malakas.
"Why did you do that?" Kalmadong tanong niya tila hindi ininda ang pagtulak ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Teen FictionThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex