Nandito na kami ni Liam sa cafeteria. Nakakamangha rito! May class talaga. Kaunting tao pa lang ang nandito hanggang sa dumami nang dumami. Naupo kami sa gilid para hindi masyadong halata, alam niyo naman 'tong si Liam pinagkakaguluhan ng mga babae kaya dapat hindi siya mahalata.
"Can you stay here just for a while? I will buy spaghetti for us." Tanong ni Liam sa akin.
"Ako na, Liam. Baka kapag nakita ka nila ay magkagulo pa." Pagpepresinta ko sa kanya.
"Are you sure, Thea?"
"Oo naman. Ako pa." Inilahad ko ang kamay ko kay Liam.
"Haha, nasaan ang pera? Poor ang kasama mo, eh." Nakakamot sa ulong sabi ko. Natawa ng mahina si Liam. Bigla naman niyang ipinatong sa kamay ko 'yong 1K.
"T-teka, sobra 'yan. Liam naman barya lang okay na."
"Eh? Pftt. Wala akong barya."
"500?" Umiling-iling siya.
"300?" Gano'n pa rin.
"100? 50?"
"Hehe, wala Thea. That's all I have here."
"Ang laki ng baon mo. Sa akin nga malaki na 'yong 50 at 100. Haha, pasensiya ka na Liam, ah."
"It's okay. Go ahead. If you want to buy anything you can use that money." Saad niya saka ako nginitian.
"Yes, boss." Sagot ko saka nag salute sa kanya bago tuluyang umalis. Tinungo ko na 'yong counter, medyo malayo pa 'to sa puwesto namin.
Nang makarating do'n ay naghintay pa ako dahil may mga nauna pa sa akin. Pinagmasdan ko muna ang paligid. Kanya-kanya sila nang ginagawa. May mga nagpapaganda habang kumakain. May mga nangti-trip. May mga nagsasayang ng pagkain at kung anu-ano pang kabulastugan. Napailing na lang ako, 'yong iba ay halos mahimatay na sa sobrang gutom samantalang ang mga tao rito ikinasasaya pa ang pagsasayang ng pagkain. Hayy, mayayaman talaga hindi marunong magtipid.
"Excuse me, p'wede bang kami muna?" Napalingon ako sa likuran ko. May mga babaeng mukhang--mukhang adik? Naka black lipstick sila, iba't-iba ang kulay ng buhok, tadtad ng hikaw ang kanilang tenga pati na rin sa lower lip nila. Aray naman! Ako ang nasasaktan sa kanila.
"Pasensiya na. Nagmamadali kasi ako. Pumila na lang kayo. Baka p'wede naman siguro 'yon dahil nakasunod lang din naman kayo sa akin." Mahinahong sabi ko. Nakita ko namang medyo tumaas ang kilay ng isa, 'yong leader 'ata nila.
"At sumasagot ka pa talaga?! Baguhan ka lang dito, ah! Alam mo bang taga section 12 B kami? Baka gusto mong masampulan, Miss?" Naalala ko 'yong sinabi ni Liam about sa 12 B. Aaminin ko medyo natakot ako, pero hindi pa rin p'wede! Bahala sila. Ano pa 'yong silbi nang pagpila kung ganito lang din naman?
"Sorry, hindi talaga p'wede." Pagmamatigas ko saka ko itinuon ang atensiyon ko sa unahan. Akala ko aangal pa sila, pero salamat naman at hindi na. Makalipas ang ilang minuto sa wakas ako na rin. Spaghetti saka orange juice lang ang binili ko. Habang kinukuha ko 'yong juice ay biglang nagsigawan 'yong mga babae at bakla. Anong mayro'n?
"KYAHHHH, PIERCE ANG COOL MO!"
"REID, JUSKO!! ANG ANGAS MO!"
"ZEPHYR, HANDSOME!"
"XAVIER, KAHIT MASUNGIT KA POGI KA PA RIN!"
"AVERY, KA-INLOVE KA!"
"BLAZE, WAHHH BABY KO!"
"ROUX, KYAHHH. BE MINE, PLEASE!"
Medyo tumahimik tapos biglang--
"Oh! No! LIAMMM! WHERE ARE YOU? BAKIT WALA SIYA?" Lagot! Hinahanap na si Liam. Aalis na sana ako kaso bigla kong nahulog 'yong juice na nasa tray kaya nilapag ko muna 'yong tray para pulutin 'yong cup. Huhu, sayang naman. Nagkalat pa ako. Kasabay ng pagpulot ko ng cup ay mas lalong lumakas ang sigawan. Mabibingi na 'ata ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Novela JuvenilThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex