Lumipas ang ilang araw. Hindi ako umalis sa mansion nila Shantal. Hindi pa rin ako susuko sa kanya. Humingi ako ng sorry dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Hinayaan ko na lang.
May mahalagang pagdiriwang ngayon! Graduation na namin. Bukas ang graduation sa DLA. Nalulungkot ako kasi hindi ako magtatapos sa DLA. Mahal ko na ang paaralang 'yon kaya isang malaking karangalan kung sa paaralan na 'yon ako magtatapos. Pero kailangan kong tanggapin na hindi. Ang mahalaga ay naging parte ako ng DLA kahit na saglit lang.
Napabuntong hininga ako. Parang kailan lang iniisip ko na hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral dahil sa ginawa nila Faye. Pero mabuti na lang dahil nakilala ko si Liam. Dinala niya ako sa paaralan kung saan malaya ako. Hindi ko pa inakala na ang DLA ay pag-aari ng pamilya ni Zayden. Malaki rin ang naitulong ng DLA at ni Liam. Kung hindi dahil sa kanila baka hindi na kami nagkasama pa ni Zayden.
Sobrang bilis ng panahon. Parang kahapon lang pinipigilan ako ni mama na h'wag ng mag-aral. Pero salamat sa mga kaibigan ko dahil sa kanila natapos ko 'to. Kung hindi sa tulong nila ay hindi ako darating sa araw na 'to.
Nakapagbihis na ako suot ang toga ko. Nakasalubong ko si Shantal. Sa suot niya ngayon ay parang dadalo siya sa isang okasyon.
"Shantal, may pupuntahan ka?"
"Mayro'n." Inirapan niya ako. "Tara na nga. You're so mabagal. Paano kung mahuli ka sa graduation niyo? Tsk!" Kahit naguguluhan ay sumunod na lang ako sa kanya. Nang makababa kami sa hagdan ay naabutan ko ang mommy ni Shantal. Bihis na bihis din siya katulad ni Shantal. Uwah!!! Ang ganda talaga ng mag-ina.
"Thea, you look so beautiful." Pagpuri niya sa akin. "Pareho kayong maganda ni Shantal."
"Salamat po..."
"Thea, I can't be with you. May business kasi akong aasikasuhin. Sasamahan ka na lang ng asawa at anak ko." Saad ng dad ni Shantal. Nakilala ko na rin siya. Ang gwapo nga niya at sobrang bait pa. Kaya ganito na lang kaganda ang isang Shantal kasi maraming pinagmanahan.
"By the way, you look so beautiful. Para kang girl version ko. Hon, look ang ganda ko pala kung naging babae ako." Masayang sabi ng asawa ni tita Ynnah.
"H'wag ka ngang feeling. Masyadong maganda si Thea para maging girl version mo." Uminit ang pisngi ko dahil sa papuri ng dalawa. Pagkatapos humalik sa pisngi ng asawa at anak ay nagpaalam na siya sa amin. Naiwan kaming tatlo.
"We will go to your school, Thea."
"Ho?"
"Shantal told me that your mother can't attend to your graduation. Kaya kami ni Shantal ang sasama sayo." Napatingin ako kay Shantal. Totoo ba?
"What? H'wag mo akong bigyan ng ganyang uri ng tingin. Hindi ko sinabi kay mom dahi lang concerned ako sayo. Na baka wala kang family na susuporta sayo ngayon. Si mommy lang ang may gusto na pumunta sa graduation ng mumurahin mong paaralan hindi ako."
"Hmm, kung ayaw mo okay lang na h'wag kang sumama."
"You don't want me to come with you?" Masungit na tanong niya.
"G-gusto, pero kasi hmm, alam kong ayaw mo naman. Kung napipilitan ka lang dahil sa mommy mo h'wag ka nang sumama."
"Hindi ako magbibihis ng ganito kaganda kung napipilitan lang ako. I will attend your graduation because I want to see your cheap school. Do you understand?" Tumango naman ako. Nauna na siyang lumabas. Napatingin ako kay tita Ynnah.
"Palusot niya lang 'yon. Sa katunayan siya talaga ang pumilit sa akin na pumunta sa graduation niyo. Pero kahit na hindi na niya ako pilitin ay dadalo pa rin ako sa graduation mo." Masayang sabi niya saka ako niyakap ng mahigpit. Ang gaan ng loob ko. Nakasakay kami sa sasakyan ni tita Ynnah. Lahat 'ata sila ay may sariling sasakyan at iba-iba pa. Nasa front seat si tita Ynnah katabi ng driver at kami ni Shantal ay nasa back seat. Tahimik lang siya. Si tita Ynnah at ako lang 'ata ang nagsasalita.
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Teen FictionThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex