Kabanata 13

2.4K 79 1
                                    

[THEA’s POV]

Naglalakad ako palabas ng campus kaso nakakailang dahil nasa likuran ko ang grupo ni Zayden.

Bakit kailangan ko pa siyang makita ngayon? Tatlo lang sila—si Zayden, Liam at ang tinatawag nilang Blaze. Parehong seryoso ang mukha ni Zayden at Liam, nakangiti naman si Blaze.

Sinulyapan ko kasi kanina kaya ko nalaman, pero siyempre hindi ako nagpahalata.

Pakiramdam ko ay hindi ako makapaglakad nang maayos. Nanlalamig ang buo kong katawan at ang bilis ng pagpintig ng puso ko.

Iyong pakiramdam na ganito, parang iyong tipong parang nakasunod sa likuran mo si Crush.

“Uuy! Si Thea. Ayiiie! Hanggang tingin na lang ba?” biro ni Blaze dahilan para mas lalo akong kabahan. Takte! Hindi talaga mawala iyong mga ganiyang tao.

“Ex ni Zayden, tawag ka ni Zayden,” ulit ni Blaze dahilan para kumabog nang sobrang bilis ang puso ko.

“G*go ka, Blaze! Sinabi ko ba? Ikaw ang tumatawag diyan idinadamay mo pa ang pangalan ko,” reklamo ni Zayden. Bakit ang tahimik ni Liam?

“Bakit narinig kita? Sabi mo, Thea.”

“Shut the f*ck up! Nananahimik ako rito huwag kang ano.”

“Defensive naman. Parang nagjo-joke lang ako,” natatawang sabi ni Blaze.

“Puwes hindi nakatutuwa,” sagot naman ni Zayden. Sh*t! Para akong pinagtsi-tsismisan.

“Thea, tawag ka ni Liam,” muling sambit ni Blaze. Sandaling tumahimik ang paligid. Mukhang tae talaga ang Blaze na iyon. Nananahimik si Liam at Zayden idinadamay sa kalokohan niya.

Sinubukan kong bilisan ang paglalakad ngunit hindi na natuloy dahil may biglang humawak sa kamay ko. Akala ko si Zayden ngunit hindi pala. Masyado akong nag-a-assume. Mas sinasaktan ko lalo ang damdamin ko.

“Thea,” tinig ni Liam. Mariin akong napapikit at isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ako humarap sa kanila.

Tama nga—si Liam ang pumigil sa akin. Nahagip ng paningin ko si Blaze at Zayden na nakatayo sa likuran ni Liam.

“Bakit, Liam?” medyo kinakabahang tanong ko. Ngumiti siya sa akin saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

Gusto kong sabihin kay Liam na bitawan niya ang kamay ko ngunit wala akong lakas ng loob. Mas lalong naging awkward dahil pareho na kami ni Liam na nakaharap kay Zayden at Blaze. Pakiramdam ko ay parang isang magnet ang mga mata ni Zayden na dumikit sa kamay ko na hawak ni Liam.

Bakit ako ang nasasaktan? Bakit hindi ko gustong makita kami ni Zayden na ganito? Ako na sana ang kakalas sa hawak ni Liam ngunit hindi na natuloy dahil mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko.

Kahit kaunti ay umaasa ako na hahawakan ni Zayden ang isang kamay ko at hihilahin ako palayo kay Liam ngunit hindi. Tila wala siyang pakialam. ’Diba dapat maging masaya ako? Pero hindi, mas nasaktan at nalungkot lang ako.

Parang gusto kong tumakbo palayo rito, pero paano ko gagawin? Gayong nakakulong ang kamay ko kay Liam.

“Ayon! Ano iyan, Liam? Holding Thea’s hand in front of Zayden?” nakangising tanong ni Blaze. Bakit parang iba ang dating?

“Magpapaalam lang ako. Ihahatid ko si Thea. Hindi ako makakasama sa gimik n’yo,” pagpapaalam ni Liam sa dalawa.

“Puwede ka namang sumunod,” ani ni Blaze.

“Hindi puwede dahil kakausapin ko pa si Thea,” seryosong sagot ni Liam. Kakausapin? Bakit naman?

“Ah, gano’n ba? Sige, bumawi ka na lang next time,” nakangiting sagot ni Blaze. Tumango naman si Liam bago tumingin kay Zayden.

Ewan ko ba, pero parang may magnet din ang mga mata ko at kusa akong napatingin kay Zayden. Saktong nakasalubong ko ang tingin niya.

Iyong kirot sa puso ko, sobra-sobra. Halos pigilin ko lahat-lahat sa kalooban ko. Ang sakit sa lalamunan, ang sakit sa mata at ang sakit sa puso. Ganito ang pakiramdam na parang halos pigilin mo na ang pag-iyak mo.

Sh*t! Ang sakit isiping hanggang tingin na lang kayong dalawa at ultimo hindi n’yo kilala ang isa’t isa. Ganito ang pakiramdam na wala na talagang kayo.

“Can we go, Zayden?” tanong ni Liam.

“Let’s go, Blaze,” malamig na tugon ni Zayden at nilagpasan lang kami ni Liam na parang isang hangin.

“Sige. Goodbye,” natatawang saad ni Blaze saka sumunod kay Zayden.

Kusang gumalaw ang katawan ko para lingunin siya. Pumatak ang masaganang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang papaalis na si Zayden. Hindi ko na mapigilan, parang dinudurog ang puso ko nang paulit-ulit.

“Z-zayden . . .” mahinang sambit ko habang patuloy pa rin akong umiiyak. Nawala lamang sa paningin ko si Zayden nang biglang iniharang ni Liam ang katawan niya sa harapan ko.

“Don’t cry. Don’t look at him. I’m here, Thea,” saad niya saka pinunasan ang luha sa pisngi ko. Inangat ko ang aking mukha at tiningnan si Liam.

“Liam, ang sakit-sakit. Hindi ko kaya,” humihikbing sambit ko. Wala akong pakialam kung ang drama ko na. Hindi ko lang talaga mapigilan.

“Kayanin mo. Nandito lang ako para sa ’yo. Lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan kaya tanggapin mo na lang ang katotohan na ang lahat ng sa inyo ni Zayden ay matagal ng tapos.” Ang sakit sa damdamin habang iniisip ko ang lahat ng sinabi ni Liam.

“Nag-iisa lang si Zayden sa mundo, pero tandaan mo na hindi lang nag-iisa ang lalaki sa mundo. You will also find a better man than him. You can also love someone more than you love Zayden. You can have someone nicer than your ex. You can meet a man who will treat you better—better than how Zayden dealt with you now and then. Someone will care for you the way you do,” mahabang lintanya niya habang nakatingin sa mga mata ko.

“Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo kay Zayden. Thea, I can’t be your Zayden forever, but I can be your Liam forever. I will not leave you alone and shattered. I promise that I will stay with you. Just lend me the chance to prove myself to you.” Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

“Ano’ng ibig mong sabihin, Liam?” nagtatakang tanong ko kahit medyo alam ko na ang ipinupunto niya.

“Mahal kita, Thea.”

Mahal kita, Thea.

Mahal kita, Thea.

Mahal kita, Thea.

Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang iyon. Mahal ako ni Liam? Sh*t! Dumating na ang kinatatakutan ko.

“Liam.”

“Mahal na mahal kita. Puwede ba na ako na lang? Huwag na si Zayden, please,” nagsusumamong saad niya Mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Hindi puwede ito. Ayaw kong saktan si Liam. Ayaw kong nagkakaganito siya.

“Liam, ka—”

“Sssh, Thea, hindi ko hinihingi ang sagot mo ngayon. Hayaan mo munang iparamdam ko sa ’yo na mas karapat-dapat ako. Saka mo na sagutin ang tanong ko kapag handa na tayo. Sa ngayon hayaan mo na lang akong mahalin ka.” Napapikit na lang ako nang yakapin niya ako.

“Sana magawa mo rin akong mahalin. Kahit matagal handa akong maghintay,” bulong niya sa akin.

Sh*t! Liam, huwag namang ganito. Hindi ko kayang saktan ang damdamin niya. Ngunit kahit saang anggulo tingnan. Masasaktan at masasaktan ko pa rin siya. Bakit ganito kahirap? Hindi ko na alam ang gagawin ko.




Book 1: I'm Just His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon