[ZAYDEN's POV]
I'm on my way papunta sa airport. Tch! Umuwi ako sa condo ko para kumuha ng gamit. Mabuti na lang at naayos kaagad ang flight ko. While driving a girl caught my attention. She's walking on the street. Napamura ako nang makilala ko siya. My ex, tulala habang naglalakad. T*ng ina! Paano kung mabangga siya? Wala na sa tamang daan. Kaagad kong itinigil ang kotse ko sa gilid niya. Lumabas ako at humarang sa daan niya, pero parang hindi niya lang ako nakita. Geez? Hangin ako? Gano'n?
"Hoy!" Panimula ko. Sh*t? WTF? Bakit 'hoy?' Pero wala pa rin, nakatayo lang siya sa harapan ko at nakatulala sa kawalan. Sh*t! Never akong nakakaramdam ng awa, pero naaawa ako sa pagmumukha niya. Parang lantang gulay.
Dahan-dahan kong inangat ang kanang kamay ko. I want to touch her face. Bakit kasi si Liam pa? Nagtagumpay ako. Sa wakas nahaplos ko rin ang pisngi niya. I dunno, pero parang tinusok ang puso ko nang ginawa ko 'to lalo na nang makita ko ang bakas ng luha sa mga mata niya.
"Z-zayden." Malumanay na sambit nito. Sh*t! Pati boses niya ay halatang nanghihina. Magsasalita na sana ako, pero lumayo kaagad siya sa akin.
"Tigilan mo na ako." Parang wala sa sariling saad nito bago ako tinalikuran. And now naglalakad na siya palayo sa akin. Damn! Bakit gano'n? Gusto ko siyang ibalik sa akin. Gusto ko siyang ipaglaban.
"Sandali lang." Saad ko habang pinapanood siyang naglalakad.
"Althea Ellez Valderoza." Muling saad ko kaya napahinto na siya, pero nakatalikod pa rin siya sa akin. I know this is damn weird dahil nasa kalye kami. But I don't care even if we are in the cemetery.
"Can we talk? I know galit ka sa akin. Pero h'wag namang ganito. Nasasaktan ako dahil sa ginagawa mo. Gusto kong isipin na prank lang ang ginagawa niyo ni Liam, pero sayo na mismo nanggaling na mahal mo si Liam. I want to stop! I want to stay away from you, pero kapag nakikita kita hindi ko kaya. Akala ko kaya mong maghintay, but I'm wrong. Yes, you're right, lahat ng bagay may katapusan at hindi sa lahat ng oras ay puro ako." Saad ko. Oo, aalis ako. Pero pakiramdam ko may mahalagang bagay akong maiiwan dito. At sa tuwing iniisip kong mangyayari 'yon parang gusto kong balikan ang bagay na 'yon. Pakiramdam ko hindi ko kayang iwanan 'yon.
"Tama na, Zayden. Tigilan mo na ako. Hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako? Sawang-sawa na. Pagod na pagod na!" Sigaw nito sa akin saka ako hinarap. "P*tang ina mo, Zayden! G*go ka! Manhid! Paasa! Pafall! G*go ka! Isang napakalaking g*go! Ang mga gusto mo lang ang ginagawa mo! Sarili mo lang ang iniisip mo! Damdamin mo lang ang iniintindi mo! Hindi mo man lang kayang gawin ang mga gusto ko! Hindi mo man lang iniisip ang sarili ko! Hindi mo man lang iniintindi ang damdamin ko! Huhu, buwis*t ka!" Humahagulgol na sigaw nito. F*cking sh*t! Ako na ang masama. Oo na! Tatanggapin ko lahat ng sinabi niya.
"Aalis ako." Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon. Bakit ba? Gusto ko lang na ma-inform siya. Baka kasi kapag wala pa ako hanapin niya ako 'di ba? Pero hindi ako naga-assume, ha! Sadyang 'yon lang talaga ang naiisip ko.
"Ano'ng pakialam ko?! Eh 'di umalis ka! Palagi ka namang nang-iiwan!" Damn you, woman! Kapag ako napikon sayo. Ewan ko kung ano ang magawa ko sayo. Pasalamat ka gusto kita kaya kahit ganyan ka wala na akong paki.
"Kapag pinigilan mo ako, hindi ako aalis. Mananatili ako sa tabi mo." Saad ko at halata sa mukha nito na nagulat siya. Taena! Sigurado na ako rito. Kahit may mahalagang taong naghihintay sa akin sa France kaya kong h'wag pumunta do'n basta sabihin niya lang sa akin ngayon na manatili ako sa tabi niya kahit na si Liam na ang mahal niya, okay lang sa akin. Gusto ko lang siyang makasama. Gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko siya.
"Para saan pa at pipigilan kita?" Seryosong tanong nito. Sh*t! Para saan nga ba?
"Pigilan mo ako...kasi."
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Teen FictionThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex