Maaga akong gumising. Tumulong kasi ako sa paghahanda ng almusal. Hindi kumain kagabi si Shantal kaya sigurado akong gutom siya ngayon. Pagkatapos nun ay umakyat na ako pupunta sa k'warto ni Shantal. Tulog pa kasi siya nang magising ako. Nadatnan ko siyang kakatapos lang maligo.
"Good morning, Shantal." Masayang pagbati ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.
"Tumulong ako sa paghahanda ng almusal. Para sayo 'yon. Hmm, kumain ka. Hindi ka kasi kumain kagabi."
"Wala kang pakialam kung kumain man ako o hindi. Lumabas ka. Magbibihis ako." Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko na lang pinansin 'yon.
"Sige. Kung gusto mong kumain. Nakahanda na roon ang pagkain." Nakangiting sabi ko. Inirapan niya lang ako. Lumabas na ako sa k'warto niya. Pumunta ako sa malawak na garden ng mansion. Naabutan ko ang isang babaeng nagdidilig ng mga halaman.
"Magandang umaga po." Napahinto siya sa pagdidilig saka lumingon sa akin.
"Magandang umaga rin po, ma'am." Magalang na sabi niya.
"H'wag mo na akong tawaging ma'am. Hindi naman ako ang amo niyo. Thea na lang ang itawag mo sa akin." Ngumiti naman siya saka tumango.
"Tulungan na kita."
"H-huh? H'wag na. Kaya ko naman, Thea."
"Gusto ko pong tumulong. Sige na. Wala naman kasi akong ginagawa."
"Sigurado ka ba Thea?"
"Oo naman po."
"Sige. Tawagin mo lang ako kung pagod ka na. May gagawin lang ako sa loob." Ibinigay niya sa akin ang hose saka siya pumasok sa loob. Nagsimula na akong diligan 'tong magagandang halaman. Alagang-alaga talaga lahat ng halaman dito. Masaya akong nagdidilig ng mga halaman. Ni hindi ko nga napansin na papalapit na pala sa akin si Shantal.
"Shantal! Kumain ka na ba?" Tanong ko nang makalapit na siya sa akin. Tumango lang siya saka pinagmasdan ang ginagawa ko.
"Ahm, wala naman kasi akong ginagawa kaya diniligan ko na lang 'tong mga halaman. Ayos lang ba sayo?" Tumaas ang kilay niya.
"That's good. Para naman may silbi ka."
"Gusto mo bang subukan?" Tanong ko.
"Nah. I am the daughter of the owner of this mansion. May mga katulong naman kaya hindi ko na dapat subukan. Ikaw naman ay ayos lang na subukan lahat ng mga gawain dito dahil kaya mo naman at isa pa. Mas katanggap-tanggap na ikaw ang gumagawa niyan dahil hindi ka naman nalalayo sa isang katulong." Natatawang sabi niya. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sarili na h'wag patulan si Shantal.
"Mas okay pa rin na subukan mo. Para kung sakaling walang katulong o kung mapunta ka mag-isa sa isang lugar hindi ka mahihirapan sa lahat ng mga gawain." Nagkasalubong ang kilay niya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko.
"Gusto mong subukan ko? Hmm, okay madali naman akong kausap." Napangiti ako nang kinuha niya ang isa pang hose. Pero kaagad ding napatili nang sa halip na sa halaman ay sa katawan ko tumama ang tubig na galing sa hose.
"Shantal naman. Kakatapos ko lang maligo kanina." Reklamo ko habang iniiwasan si Shantal. Sa halip na tumigil ay hinabol pa ako ni Shantal.
"Basaan pala ang gusto mo ah."
"What the f*ck!" Pagmumura niya dahil gumanti ako sa kanya. Tumama ang tubig sa katawan niya.
"Ikaw!" Aniya at mabilis din na gumanti sa akin. Gumanti rin ako. Para kaming mga bata na naghahabulan dito. Pareho na kaming naliligo ngayon.
"Hahaha, para kang basang sisiw." Halakhak niya. Napanguso ako.
"Ikaw din kaya." Pareho kaming natawa habang nakatingin sa bawat isa. May kung anong humaplos sa puso ko nang makita ko kung gaano kasaya si Shantal ngayon. Pakiramdam ko para lang kaming magkapatid na naglalaro. Pareho kami ng birthday at pareho rin ng edad, pero parang mas bata ako kaysa kay Shantal. Sa nangyayaring 'to parang nakalimutan ko na ang mga kasamaang ginawa sa akin ni Shantal dati. Pakiramdam ko mula nang tumira ako rito ay hindi ko siya kaaway...hindi ko siya karibal kay Zayden.
BINABASA MO ANG
Book 1: I'm Just His Ex
Novela JuvenilThe worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex