// prologue

226 5 0
                                    

October 27th.

Ilang taon na mula nang huli akong napadpad sa parkeng ito. Seven years ago pa noong dalhin ako ng mga pinsan ko rito para umupo, makipagkwentuhan, at panoorin ang umiilaw na fountain sa gitna. Nagkikita pa rin naman kami ngayon, pero tuwing Pasko at birthday na lang namin.

Ngayon, ako lang ang nakaupo sa gilid. Hindi pa pinapatakbo ang fountain show dahil may mini-concert na nagaganap. Nakikinig lang ako sa mga kumakanta sa gitna habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.

Pero, hindi ko akalain na hindi pala ako mag-iisa ngayong gabi.

Nakita kong lumalakad patungo sa direksyon ko ang isang lalaki. Matangkad siya, at base sa kilos niya, mukhang nahihiya siyang makihalubilo sa mga tao.

He looked familiar, pero ayokong isipin masyado kung sino.

"May kasama ka?" sabi niya pagkalapit niya sa akin. "W-wala naman po," nahihiya kong sagot.

Umupo siya at bumulong ng "thank you". Tinignan ko siya nang mabuti at saka ko lang nakita nang maayos ang mukha niya. Actually, mata niya lang kasi naka-dust mask siya. His eyes looked sad, parang kakagaling lang sa pag-iyak.

"Kuya, okay ka lang?" tanong ko. Tahimik lang siyang tumango. Inalis niya sa pagkakatakip sa mukha niya yung face mask at tumingin siya sa akin.

This can't be. Siya ba talaga 'yon?

"Sky?"

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon