Thea.
October 27th, 8:55 PM.There he was, a tall, long-legged guy wearing a yellow hooded jacket and a pair of dark skinny jeans. Half of his face was covered with a mask. He had pretty eyes, the type that could hold an entire galaxy. Most of all, I knew whose eyes they were. But could he be whoever I think he is?
Tinignan ko siya nang mabuti. Base sa kilos niya, mukhang nahihiya siyang makihalubilo sa mga tao. Baka artista. Okay, maybe I'll just move to another seat to give him space. Nah, never mind. Hindi rin naman ako papansinin nito.
Nililingon ko pa rin siya nang paulit-ulit habang iniinom ang pomelo juice na hawak-hawak ko kanina pa. Nandoon pa rin siya, nakatayo.
"May kasama ka?" tanong niya.
"W-wala naman po," nahihiya kong sagot.
Umupo siya sa tabi ko, pero may space pa rin sa pagitan namin. "Thank you," mahina niyang bulong.
Inalis niya sa ulo niya ang hood ng jacket niya. Doon ko lang napansin ang ayos ng buhok niya at yung kabuuan ng itsura niya. Mukha ngang artista. Kaya lang, nakasuot pa rin ang face mask niya kaya mata niya lang din ang nakita ko pagharap niya sa akin. Namumugto pa ang mata niya, parang kakaiyak lang.
That was when I had the courage to ask him if he was fine. He nodded his head, as if to say "yes," though his actions say otherwise.
He took off his mask and wiped the remaining tears in his eyes with the sleeve of his hoodie. Napaiwas ako ng tingin kasi ayaw na ayaw kong nakakakita ng lalaking umiiyak. Nadadala ako. Bakit ba ang iyakin ko masyado? Pota.
"Ang ganda ng langit, 'no?" bulong niya sa akin. Hindi pa rin kami magkatinginan. Baka kasi sarili niya kausap niya, hindi pala ako.
Tumingin siya sa akin at ngumiti nang bahagya.
Nagulat ako sa nakita ko. Hindi 'to totoo. Hindi 'to totoo. Hindi 'to totoo. Hindi 'to totoo. Hindi 'to totoo. Hindi 'to totoo. Hindi 'to totoo.
"Sky?"
"Shhhh." He placed a finger near his lips to keep me quiet. "Walang dapat makaalam na andito ako. Secret natin 'to, ah."
Secret namin?
"Huh? Bakit ka andito?" tanong ko.
"Shh." Ibinalik niya ang pagkakatakip ng mask sa bibig niya. "Saka ko sasabihin 'pag tayo na lang yung natitirang tao."
Ano'ng nangyayari? May hidden camera ba rito? Scripted ba 'to? Prank ba 'to?
Inikot-ikot ko ang paningin ko sa paligid. Wala namang hidden camera. CCTV lang. Pero bakit? Paano? Ano ba'ng nangyayari kasi?
"Okay na?" tanong niya.
Kami na lang ang naiwan sa kinauupuan namin. Tuloy pa rin ang mini-concert na nagsimula noong kakarating ko pa lang dito sa park. Mukhang hindi pa rin magkakaroon ng fountain show. Pero hindi ko pinansin ang mga tumutugtog. Nalilito pa rin ako. Paano napunta si Sky dito? Deserve ko ba 'to?
"Uhm, okay na siguro. Now, why?"
"Why, ano?"
"Paano ka nakarating dito?"
"Kailangan ko lang ng time for myself. Time to recover. Ang daming nangyari sa show namin kanina, eh. Nagkagulo kasi. Hindi kami makalabas agad sa backstage hanggang umayos lahat. Hindi namin alam yung gagawin namin kaya naiyak na lang ako. Ang gusto lang naman namin, eh mapasaya yung mga fans, pero 'di naman namin in-expect na aabot sa gano'n. Naaawa ako do'n sa iba na gusto lang kaming makita, ang gusto lang ay magsaya. Pero kahit papaano naman, natuloy pa rin kami."
BINABASA MO ANG
all for you
Fanfiction"Handa ka bang magpanggap at gawin ang hindi mo nakasanayan sa ngalan ng pag-ibig at paghanga?" "Sa industriyang hinahadlangan ang kalayaang magmahal, handa ka bang kumawala at ipagsigawan ang tunay na nadarama?" A die-hard fan who'd give her all to...