a/n: minsan hindi ko na alam kung itutuloy ko pa to kasi pang-18 na chapter na to pero parang hindi pa rin gaanong napapansin so :// meh
pero sige tuloy lang
⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰
Thea.
November 16th, 4:53 PM.Late nang nagsimula ang fansigning. After less than a week of contemplating, naisip kong gawin ang sinabi sa akin ni Jo noong Tuesday. Right after the event, didiretso na ako ng Cubao para makipagkita kay Lui. Nangako ako sa kanya, at bilang kaibigan niya, hindi ko siya pwedeng biguin.
Sorry, Sky. Sandali lang kita makakasama. Kung pwede lang kitang dalhin sa Cubao para ipakilala sa friend ko, eh. Chos.
Pumuwesto agad ako sa third row. Pinapuno na agad nila yung first two rows sa mga naunang dumating kaya wala akong choice. Wala pa akong katabi.
Hindi rin nagtagal ay napuno na ang atrium ng mall kung saan nagaganap ang event. After a few minutes, lumabas na ang boys. Nag-perform muna sila ng ilang mga kanta nila at isa-isang nag-speech bago sila umupo sa lamesa nila.
I checked the time on my phone. 5:42 PM na. Pinapila na ang first three rows sa baba ng stage. Matagal-tagal pa 'to.
Paulit-ulit kong tinitignan ang phone ko kung may text galing kay Lui. Sa ngayon, wala pa naman. Seven o'clock pa naman ang kitaan namin, eh. Hindi pa siya mangungulit ngayon. Susulitin ko muna 'to.
After 15 minutes, ako na ang next in line. One minute and thirty seconds lang per member ang binigay nila sa bawat isa sa amin. Pagkasampa ko sa stage, si Eli ang una kong nakaharap. Sumunod si Levi, tapos si Seth, tapos si Isaiah. Si Sky ang huli kong nakausap.
"Uy, buti nakapunta ka!" bati niya sa akin. Inapiran niya ako.
"Syempre, anything for you guys," I replied while he was signing my CD.
"Thanks, ah. By the way, meron pa tayong isang minuto. May gusto ka bang ikwento?" He smiled after asking that question.
"Hala, baka 'pag nagkwento ako sa'yo, time's up na."
"Ay, gano'n? Sayang. Sige, next time na lang," natatawa niyang sagot. "Ako pala, may sasabihin sa'yo."
"Ano 'yon?"
"I—"
"Next na po!" sambit ng MC mula sa loudspeaker.
Kinuha ko na ang CD ko at umalis na kaagad nang hindi ko natitignan kung may naiwan ako. Hinintay ko munang matapos magpa-sign ang buong third row bago ako magpaalam sa katabi ko at lumabas sa area. Doon ko lang kinapa ang bag ko at napansin na napigtas yung strawberry na keychain sa sling bag kong dala.
Ano ako, si Cinderella?
Lumingon ako at nagbaka-sakali na napulot ni Sky yung strawberry, pero hindi ko na napansin ang susunod niyang kilos. Kung talagang napulot niya iyon, mukhang hindi siya sigurado kung akin iyon kaya hindi niya tatawagin ang atensyon ko. Saka marami pang fans na nakapila sa kanila kaya hindi niya muna aalalahanin iyon.
Pero umaasa pa rin ako na sana, napulot niya. Kahit hindi na niya ibalik.
Sige, Sky, sa'yo na 'yang strawberry ko. Para lagi mo akong naaalala. Char. Oo nga pala, kailangan ko nang umalis. Sana magkita pa tayo ulit.
⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰
6:50 PM.
BINABASA MO ANG
all for you
Fanfiction"Handa ka bang magpanggap at gawin ang hindi mo nakasanayan sa ngalan ng pag-ibig at paghanga?" "Sa industriyang hinahadlangan ang kalayaang magmahal, handa ka bang kumawala at ipagsigawan ang tunay na nadarama?" A die-hard fan who'd give her all to...