Thea.
November 12th, 7:35 PM.Kasabay kong lumabas ng office si Joanne. Simula noong bumalik siya dito sa Manila, nakasanayan na naming lumabas nang sabay at tumambay sa malapit na mall bago kami magkanya-kanya. Feeling niya kasi, nawawalan na kami ng time sa isa't isa.
"Alam mo, ang swerte mo, girl," sabi niya sa akin habang naglalakad. "Imagine, hindi ka lang na-notice ni Sky, ka-DM mo pa siya ngayon?"
"Ano ba, wala 'yon!" sagot ko. "Gano'n talaga, friends na kami, eh."
"Friends ka d'yan. Eh bakit ako, nakailang message din ako kay Isaiah, wala naman akong natatanggap? Iba na 'yan, girl. May something."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Che."
She spoke again, "Pero grabe, ah, ang haba na ng hair mo! Iniwan ka ng isa, pero dalawa naman yung pumalit, sabay pa! At member pa ng idol group yung isa!"
Inirapan ko siya kunwari, pero hindi ko napigilang tumawa. "You're crazy," I told her. "Alam mo, kulang ka lang sa kape. Tara, Starbs?"
"Libre mo?"
"What?"
"Libre mo na, tiba-tiba ka naman, eh!"
"No," I laughed. "Ayoko nga, may pera ka naman, eh."
Pumasok kami sa mall at hinanap agad ang coffee shop na tambayan namin. Nag-order kami at saka umupo sa isang puwesto malapit sa glass panel.
I was about to take the first sip from my green tea frappe when my phone rang. Unregistered ang number kaya 'di ko muna ito pinansin. Uminom muna ako at tumingin-tingin sa paligid.
"Phone mo," narinig kong sabi ni Jo. Tumigil nga lang ang pag-ring saktong paglingon ko. 1 missed call, the screen read. Hindi ko na lang ulit pinansin iyon.
"Sino ba 'yon?" tanong niya.
"Ewan," sagot ko. This time, kinuha ko na ang phone at ako na ang tumawag. "Hello po?"
"Is this Thea?" bungad ng boses sa kabilang linya.
"Yes, who's this?"
"It's me, Lui. Have you forgotten to save my number?" sagot niya.
"Ah, oo nga pala." Naitapon ko yung tissue paper kung saan niya isinulat ang cellphone number niya. "Yeah, I forgot. I'm sorry."
Narinig ko ang pag-irit ni Jo sa tabi ko na para bang mas kinikilig pa siya para sa akin. Hinampas ko ang balikat niya.
"What was that?" tanong ni Lui.
"Ah, may dumapo kasi na lamok sa shoulder ng friend ko. Had to kill it before, you know, she gets bitten or something." Tinignan ako ni Jo nang hindi mawari kung matatawa siya o maiinis.
"Oh. Cool. You must be a really caring friend. Anyway, how's it going at work?"
"Sobrang busy yung buong magazine team. We have another shoot coming, and we haven't gotten any confirmation from our guest so marami pang kailangang asikasuhin. How 'bout you?"
"Everything's fine. Medyo nakaka-drain lang 'pag heavy traffic, lalo na pauwi. But yeah, I'm doing good. Saka naging busy rin ako the past week kasi may kinakausap kaming new client dito sa advertising firm."
"Cool. So, bakit ka pala napatawag?"
"Um... Aayain sana kita this Saturday. Labas lang tayo, libutin natin buong Cubao. Alam ko bukas na yung Christmas display doon starting tomorrow."
"Ako talaga ang inaya mo, eh kabisado ko na lahat ng pasikot-sikot sa Cubao. At hindi lang mga mall ang alam kong puntahan, ha."
"That's why I need you to come with me. Kasi, kahit within the area lang ako nakatira, I never got to explore everything. Doon lang ako madalas sa malapit."
"Oh."
"Are you game?"
Nanahimik ako saglit. Iniisip ko kung may mga ganap ako sa Sabado. I pulled out my journal from my bag and flipped through the pages. "November..." bagutbot ko. "13, 14, 15... 16. November 16: First (and last) fansign of BF5 for 2019."
"Patay," I exclaimed.
"Ano, Thea? What's the matter?"
"Ah, naku, mukhang 'di tayo matutuloy this Saturday. I have an important commitment that day. Mga 3:30 PM 'yon."
"Until what time?"
"About 5:30 or 6."
"Eh 'di sa gabi tayo magkita."
"'Di tayo sure d'yan."
"Sunday?"
"Uuwi ako sa mom ko. Magsisimba kami."
"So... Saturday night?"
Hindi ako sumagot.
"Go na, Thea girl!" bulong ni Jo.
"Paano yung fansign?" bulong ko pabalik.
"'Wag mo na munang isipin 'yon, basta um-oo ka na!"
"'Kay, fine!" Bumalik ako sa linya. "Lui?"
Sumagot siya, "Oh, ano? Game? Saturday night, ah!"
"Sige. Mga 7."
"Yes!"
"Huh?"
"I mean, yeah, see you. Bye!"
Ibinaba ko na ang phone at ibinaling ang tingin ko kay Jo. "Alam mo, Jo, sana hindi na lang ako napili para sa fansign this Saturday," sabi ko sa kanya. "Alam kong iyon yung first and last promotion ng mini-album nila and yung last event nila before their upcoming concerts kaya it's important to me pero..."
"Pero ano?"
"Ayokong ma-disappoint sa'kin yung kaibigan ko. Ine-expect niya ngayon na magkikita kami that day."
"Sandali lang naman ata 'yon. Buti ka pa nga, makakapunta, eh. Opening kasi ng bagong resto ni Poy, alam mo na, kailangan, present ako do'n."
"Uy, nice! Congrats sa inyo! May discount ba ako d'yan?"
"Kung bibili ka!"
Naudlot ang tawanan namin nang magsalita ulit si Jo. "Pero, ano? Pupunta ka pa rin sa fansign?"
"Hindi ko nga alam, Jo. Paano kung ma-late ako sa usapan namin ni Lui dahil do'n?"
"Sabi ko, mga ilang oras lang naman ata 'yon. 'Pag tapos na yung time mo para magpa-sign, alis ka na agad! 'Wag ka lang pahalata."
"Ano ako, si Cinderella?"
"Sige, bahala ka. Ikaw ba, ano ba'ng priority mo? Si Sky, o si Lui?"
Sa ngayon, hindi ko na alam. 'Tang ina naman, bakit kasi nagkakasabay-sabay pa?
"Ewan. Pag-iisipan ko muna siguro. May ilang araw pa naman, eh," sagot ko.
"Sige. Kung ano man ang maging desisyon mo, support kita d'yan. 'Pag natuloy ka, i-hi mo 'ko kay Isaiah, ha?"
"Sure, kung matutuloy ako."
Nag-high five kami.
⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰
BINABASA MO ANG
all for you
Fanfiction"Handa ka bang magpanggap at gawin ang hindi mo nakasanayan sa ngalan ng pag-ibig at paghanga?" "Sa industriyang hinahadlangan ang kalayaang magmahal, handa ka bang kumawala at ipagsigawan ang tunay na nadarama?" A die-hard fan who'd give her all to...