// twenty one

42 1 0
                                    

Thea.
November 24th, time unknown.

"Thea, nasa labas ako ng building niyo. Can we talk?"

Iyan ang natanggap kong message mula sa isang dummy account. Kakatapos lang ng dinaluhan kong misa at nakatambay lang ako sa labas ng fastfood na katapat ng simbahan.

"Closed office kami pag Sunday. Hu u?" sagot ko. Hindi ko alam kung paano ako magre-react dahil hindi ko alam kung sino siya at kung paano niya nalaman kung saan ako nagtatrabaho.

What if it's Lui? Knowing his stalking skills... charot. And no, hindi 'yon gagamit ng dummy account. AND he would text or call me if he wanted to meet kasi I gave him his number.

Si Sam kaya? No, no, no. Definitely not Samuel Reyes. He forgot about me already, right? Baka nga hindi na niya mahanap yung IG ko kasi I unfollowed him na. Saka nagpalit na rin ako ng username.

How about Sky? Pwede, pero paano naman siya nakagawa ng bagong account para lang kausapin ako? Imposible. Breach of contract 'yon sa kanila. He wouldn't do anything na ikasisira niya.

Makalipas ang ilang saglit, hindi pa rin siya sumasagot. I typed in, "Okay, I don't really know who you are and what you want from me, pero sige. Pupuntahan kita dyan."

Habang nasa biyahe ako, tumawag muna ako kay Kuya Rick. "Kuya, pakisabi kay Mama, male-late ako ng uwi ngayon, ah. May importante lang akong lakad, kamo. Sige, bye."

I dropped the call immediately.

Pagdating ko sa office building, meron ngang tao na nakaabang. He was standing in an awkward position, and he looked like someone I know, but in different clothes. Naka-mask at eyeglasses din.

Paglapit ko sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa lugar na maraming halamang mapagtataguan. "'Wag tayo do'n, baka may dumaan, makita tayong magkasama."

Naguluhan ako sa kilos at pananalita niya. "Bakit ka ba nagtatago? Bakit mo ako kailangan? You're scaring me."

Tinanggal niya yung mask niya. "Ako lang 'to. Sky."

"What the actual heck? So ikaw si—" malakas kong sabi.

"Shhh. Hinaan mo lang."

Binabaan ko ang boses ko. "Anak ka ng buang, 'di ba may rehearsals kayo for the tour? Bakit ka—"

"Rest day namin."

"Bakit mo nga ako dinala rito? Ang sama lang ng way ng pakikipagkita mo sa'kin, ha."

"Na-miss lang kasi kita."

"So, bale, lahat ng nami-miss mo, hinahatak mo sa isang secret space in the creepiest way possible? I can't believe you."

"Hindi, hindi. Relax, Thea. Hindi ko intensyon 'yon. Gusto ko lang mag-apologize kasi hindi ako nakakasagot sa mga messages mo. Marami rin kayong mga fans na hindi namin ma-reply-an kasi nga marami kaming ganap."

"Pero pwede mo naman akong sabihan nang hindi tayo nagtatago sa halamanan, 'di ba? Ang weird mo rin pala. Buti natitiis ka ni Eli."

Nag-face palm siya. "Sorry na nga, Thea. Kailangan lang kita itago para walang issue. And yes, ako si haneul_1111. Private account ko talaga 'yon, ngayon ko lang ulit nagamit since debut."

"Oh, dear. Ano pa bang tinatago mo d'yan? Come on, spill the tea," medyo sarcastic kong sagot.

"User."

"Charot lang—" Napalakas na naman ang boses ko kaya tinakpan niya ang bibig ko.

"Wala na bang tao?" tanong niya. Tahimik na ang paligid. "Tara na." Itinayo niya ako at dinala ako sa isang weird na lugar na hindi ko pa nakikita sa mahigit isang taong work experience ko dito. Sa labas, mukha lang siyang antique wall na basta na lang nilagyan ng pinto, pero noong pumasok kami, nalaman kong isa pala itong coffee shop.

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon