// two

93 3 0
                                    

Thea.
September 12th, 6:07 PM.

Isang oras na lang bago matapos ang working hours. Walang masyadong trabahong inilaan para sa art department this week, maliban sa pag-asikaso ng photoshoot for next month's special feature. Inaayos na namin ang venue, styling, at pagpaplano ng layout at iba pang kailangan for the shoot and other content.

Binuksan ko ang email ko at tinignan ko kung may response na regarding sa booking ng exhibit na paggaganapan ng shoot. Fortunately, meron na agad. Hindi ko binasa yung buong message at dumiretso na lang sa importanteng part.

Nilapitan ako ni Ma'am Gail, yung sinasabi kong editor-in-chief namin. Narinig ata ako.

"How's the venue?" tanong niya.

Para akong estudyante na tinawag para mag-recite sa klase. Hindi ko alam kung bakit, pero ginanahan ako. "All good, ma'am! Na-confirm na po yung booking. Whole day nga po binigay, eh. Though, we still have to plan everything with the rest of the team starting tomorrow." Nagtagal ang pagtingin ko sa mga mata ni Ma'am Gail. "By the way po, ma'am, may I know if nag-confirm na si Miss Cruz?"

"Not yet. We still have to wait for her management to respond. We'll inform you and the rest of the team when we get there," sagot niya. Tumalikod na siya pero binalikan niya ako para sabihing, "oh, and job well done, Thea."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Isa lang 'to sa iilang mga araw na alam kong worth it lahat ng pinagpapaguran ko.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

8:01 PM.

"Cubao Station, Cubao Station na po tayo. Maaari lang pong padaanin muna yung mga bababa, salamat po," bigkas ng train operator habang dahan-dahang humihinto ang MRT. Lumabas ako ng pinto at naglakad palabas ng station. Sa labas, tanaw na tanaw ko ang nakasanayan kong mundo: magulo at maingay.

Pero, don't get me wrong, 'di ako dito nakatira. Dito lang ako nag-aabang ng masasakyan pauwi.

Sinuong ko ang agos ng mga taong nagmamadali sa paglalakad hanggang sa marating ko ang isang convenience store malapit sa terminal ng UV. Kapag naiinip ako sa haba ng pila, doon muna ako papasok at maghahanap ng makakain sa biyahe.

Naupo ako sa dine-in table, hawak-hawak ang siopao at mineral water na binili ko. Kumagat ako nang kaunti habang nakatitig sa glass panel na mistulang TV na pinapalabas ang organisado ngunit masalimuot na sitwasyon sa labas. Mga tao na kung hindi nagpapaypay o nakatutok sa mga cellphone nila ay dumadaing sa haba ng pila at tagal ng pagdating ng mga sasakyan. Mga jeep na nagmamadali upang makaiwas sa mga traffic enforcers na nagbabantay. Mga batang pulubi na naghahabulan sa sidewalk. Mga magkasintahang nagtatalo sa walkway.

Ang daming nangyayari. Gusto ko na lang umuwi, ngunit hindi ako makalabas. Marami kasing tao.

Hinintay ko munang maglabasan ang iba bago ako tumayo at lumakad. Napahinto ako sa pedestrian lane na katapat lang ng repair shop. Doon, sumakay muna ako ng jeep na papuntang Katipunan. Sira pa kasi ang mga tren, kaya wala akong choice kundi tiisin ang mabigat na trapik. Sa kalagitnaan ng biyahe, naisip ko ang lahat ng mga nangyari noong mga nakaraang araw. Naririnig kong tumugtog na naman yung kantang pinapatugtog lagi ni Jo sa office. This time, mula sa radyo ng jeep.

"Kahit na ula'y tumila na, luha sa aking mata'y patuloy pa. Ano nga ba? Ano nga ba? Ano nga ba'ng magagawa, kung hanggang ngayon ay mahal pa rin kita?"

Bakit ba lagi akong sinusundan ng mga mang-aawit na 'to kahit saan? Sa PC ng katrabaho ko. Sa TV. Sa news feed ko sa Facebook. Sa mga tweets ng college friends ko. Kahit saan ako pumunta, nandoon sila. Pakshet. Hindi ko maintindihan. Bibigyan ko na ba sila ng chance?

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon