Thea.
December 6th, 9:20 PM.Papunta na kami sa Cubao pagkatapos niya akong sunduin gamit ang motor niya. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.
Bakit gano'n? Bakit hindi pa rin ako masaya sa ginagawa namin? Okay naman nung una, eh. Ang kaso, I really don't see myself in this situation. I don't see myself pretending to be in a relationship just to save someone's reputation. A famous person, to be particular.
The point is, ayoko nang magpanggap. Gusto ko, totoo. Pero hindi ko maipapangako kay Lui na mapaninindigan ko 'to, kasi even though he is, ideally, boyfriend material, he's not the one I see myself in a real, actual, relationship with.
Kasi hindi siya si Sky.
And he will never be.
Punyeta. Bakit kasi hindi kami pwede? Napilitan tuloy akong nag-settle sa kaibigan ko na never ko namang binalak na landiin in the first place. Fuck this shit.
Ang tanga-tanga mo, Anthea. Hindi ka nag-iisip.
"Thea, you okay?" tanong ni Lui.
Naalimpungatan ako. "Asan na tayo? QC na ba 'to? Naku, sorry. I got spaced out."
"Oh. Malapit na tayo. Kapit lang," sabi niya.
Makalipas ang ilang minuto, huminto siya sa parking area ng Expo. Bumaba kami at dinala niya ako sa resto-bar na kinainan namin noon.
"Remember this place?" he asked.
"Syempre. Parang kailan lang nung unang punta natin dito," sagot ko.
Dinala niya ako sa exact same table na pinuwestuhan namin. "Take a seat," sabi niya.
"Applicable pa ba ngayon yung rule na magbabayad yung unang kukuha ng phone?" tanong ko.
Natawa siya. "Kung gusto mo."
Inilapag ko ang phone ko sa table, at sumunod din siya. Tinawag niya ang waiter. Tinanong niya ako, "May gusto ka ba?"
"Try natin yung nachos. Mukhang masarap 'yan with beer. Wala lang, feel ko lang."
"Akala ko ba, you don't drink anymore?"
"Akala ko rin, eh."
Tumawa siya. "Anyway... 'yon lang? Wala ka nang ibang gusto?"
"Yup."
Binalikan niya ang waiter at sinabing, "Sige, sir, isang nachos tapos isang iced coffee. Saka one can of beer. Yung Light, ah." Kinindatan niya ako pagkatapos.
"Ayaw mo mag-beer?" tanong ko.
"I'm driving, remember?" sagot niya.
Habang hinihintay yung pagkain namin, nag-initiate na ako ng conversation. "Since ikaw yung unang nagtanong the last time we were here, ako naman ang mauuna tonight. And may bagong rule. Follow-up questions are allowed.
"What? Okay, okay. Shoot," he answered.
"So, the question is, ano'ng gagawin mo 'pag nawala na lang na parang bula yung taong mahal mo?"
BINABASA MO ANG
all for you
Fanfiction"Handa ka bang magpanggap at gawin ang hindi mo nakasanayan sa ngalan ng pag-ibig at paghanga?" "Sa industriyang hinahadlangan ang kalayaang magmahal, handa ka bang kumawala at ipagsigawan ang tunay na nadarama?" A die-hard fan who'd give her all to...